- Third POV - “Ahhh!" “Fvck off!" Mabilis na tinapos ni Zimmermann ang natitirang miyembro ng Zi Long at bumagsak ito sa sahig habang naliligo ng dugo ang buong katawan dahil sa pagpugot ng ulo gamit ang katana na mula rin sa kalaban. Hindi man ganun kagaling sa paggamit ng katana si Zimmerman ay wala siyang nagawa dahil naubos na ang bala ng kaniyang baril. Ang suot niyang white coat ay nabahiran na nang dugo kaya mabilis niya iyong hinubad at tinapon sa pinatay niyang kalaban. Sabay tusok ng katana sa katawan ng kalaban. “Boss! Boss!" Nagtatakbo na lumapit si Greg Acosta na kaniyang kanang kamay at may bahid na rin dugo ang kaniyang katawan. May bitbit itong sniper riffle sa katawan at merun ding bitbit sa kabilang kamay na isang calibre na ang tanging gumagamit lamang ay an

