Napatayo si Thea nang marinig ang tanong na iyon ng kanyang daddy kay Calvin. "Dad!" "Why? Hindi ba dapat lang na pag-usapan natin ang tungkol sa inyong dalawa? Based on what we heard... may pananagutan na sa iyo si Calvin." Namula ang kanyang mga pisngi. Is this something they need to discuss right now? Nakakahiya talaga! "Don't worry, tito, I intend to marry your daughter. Kahit kailan at kahit saan," buong kaseryosohang sagot ni Calvin sa kanyang ama. Alam naman niya na handa itong magpakasal sa kanya dahil ilang beses na nito iyong sinabi noon. Nguniy hindi pa rin siya komportable na pag-usapan nila iyon. At para bang tinatakot pa ng kanyang daddy ang nobyo. Ayaw niya iyon. Ang gusto niya ay iyong kusa siyang aalukin ni Calvin. Hindi ba dapat ay sa kanya ito mangangako at hindi s

