Hindi pa rin maalis sa isipan ni Thea ang panaginip niya kanina. Para kasing totoong-totoo ang mga eksena roon lalo na iyong parte na ipinakita sa kanya ng lalaki ang hawak nitong patalim na ay dugo na para bang sinasabi nitong kay Calvin iyon. Nangilabot siya bigla dahil doon. "Babe?" tawag sa kanya ni Calvin na katabi niyang nakaupo sa hapag-kainan sa dining room. Nag-aalala ang mukha nitong nakatingin sa kanya. Pati si Manang Belen ay nakatingin din sa kanya. "I'm sorry, may naalala lang ako," ngumiti siya rito. "Kain na tayo, ang sarap ng mga luto mo Manang!" Kumunot ang noo ni Calvin. Marahil ay alam nitong nagkukunwari lamang siya sa harap ng mga ito. Ngumiti naman sa kanya ang matandang babae ngunit tila hindi naman umabot sa mga mata nito iyon. "Babe, kalimutan mo na 'yon. It

