"So you mean alam na ng kuya mo at daddy? Si Calvin nalang ang hindi nakakaalam ng totoo rito?" tanong ni Gabby sa kanya habang nasa restaurant sila. Naroon sila para mag-dinner at hinihintay nalang dumating ang mga kasama nila. Nauna sila ni Gabby dahil gusto niya itong kausapin tungkol sa plano niya. Bukod doon ay gusto raw nitong mag-man hunting. "And Hannah," sagot niya bago uminom ng tubig. Hindi pa kasi sila umoorder dahil sila palang naman ang naroon. "Hay naku, Thea! Kailan mo ba tatapusin 'tong pagpapanggap natin na 'to?! Sukang-suka na 'ko kapag sinasabi mong dyowa mo 'ko!" "Konting tiis nalang, Gab. Malay mo sumuko na rin si Calvin," duda siya sa sinabi niyang iyon. Hindi nga ba at kanina lang ay sinabi ng lalaki na handa itong gawin ang lahat para bumalik lang siya rito? N

