Hindi matyempuhan ni Thea ang ina, palagi kasi nitong kasama ang daddy niya o kaya naman ay ang mga anak ng kuya David niya. Malakas talaga ang kutob niya na hindi pa nito nasabi sa daddy at kapatid niya ang sitwasyon nila ni Gabby ngayon. Nilingon niya ang kaibigan, nakikipagkwentuhan ito ngayon sa daddy niya. Naroon sila sa isang cottage malapit sa beach at kumakain ng lunch. Naroon din ang pamilya niya ng kuya niya. Tanging si Calvin at si Hannah lang ang wala na nagpapahinga pa raw sabi ng kuya David niya. She's wondering kung magkasama ba sa kwarto ang dalawa. Bigla tuloy siyang nawalan ng gana. Ang sasarap pa naman ng mga pagkaing nakahain sa kanila ngayon. Pagkatapos kumain ay nakipaglaro nalang si Thea sa mga pamangkin. Enjoy na enjoy ang mga ito na maglaro ng buhangin malapit

