Tulad ng inaasahan niya, nakaabang na si Calvin sa kanya sa labas ng kanyang hotel room. Naksandal ito sa tabi ng pintuan nang lumabas siya. As usual, sobrang gwapo pa rin talaga nitong tignan kahit na casual lang ang suot nito. "Hay, Thea! Napaka-swerte mo at patay na patay sa iyo ang lalaking ito." Lihim siyang napangiti dahil sa naisip niyang iyon. "What's funny?" Bahagya pang niyuko ni Calvin ang sarili nang mapansin ang kanyang ngiti. Marahil ay iniisip nito na may nakakatawa sa itsura nito ngayon na hindi maaaring mangyari. Hindi mapapahiya ang isang Calvin Buenavista! "What? Nothing," agad naman niyang sagot. Naglakad na siya papunta sa elevator at sinabayan siya ng lalaki. Mabilis na naipatong nito ang isa nitong braso sa kanyang mga balikat. "Sabi mo eh. Bakit hindi mo ako pin
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


