Dinama ni Thea ang hangin. Magaang na magaang lang iyon sa kanyang pandama. Hinayaan lang din niyang liparin ang kanyang buhok. Inilibot niya ang mga tingin sa kapaligiran. Masaya siya na nakapagbakasyon siya ngayon kahit na hindi naman niya plinano iyon. Matapos niyang makausap si Jean ay bigla na lang siyang nagdesisyon na umalis at hindi nagpaalam kahit na kanino. Nagpadala lang siya ng message at larawan sa mga magulang niya sa para hindi mag-alala ang mga ito. Nagdahilan na lang siya na nais magbakasyon bago tuluyang bumalik sa trabaho. Tinanong siya ng kuya David niya kung may kinalaman iyon kay Calvin at hindi na niya itinago pa rito ang totoo. Pero sinabi niyang wag na itong mag-alala pa sa kanya. Hindi na rin naman nangulit ang kapatid niya. Papayapain lang niya ang sarili at

