Ipinatong ni Thea ang dalang basket ng prutas sa mesa sa gilid ng hospital bed ni Gabby. Dinalaw niya ang kaibigan na kasalukuyang nagpapagaling pa rin. Marami kasing nabaling buto ito bukod pa sa mga tama nito sa buong katawan dahil sa ginawa rito ng mga tao ni Lucy. "So, iyon pa lang kuya niya ang bumaril sa babaeng espasol na iyon?" ani Gabby na ang tinutukoy ay si Lucy. Ngayon pa lang kasi niya naikwento ang lahat dito. "Oo," sagot niya at iniabot dito ang binalatang orange. "Sila sila na ang nagpatayan sa huli. Hindi pa nila ginawa sa umpisa pa lang. Binasag pa nila ang fes 'ko!" nanggagalaiti nitong saad. "Nakakaawa rin naman si Lucy kahit paano. I mean, hindi naging maganda ang past niya," aniya. "Tse! Anong kawawa? Choice niya 'yon. Kung naging masama man siya, walang ibang da

