Wala siyang magawa kung 'di ang umiyak nang umiyak habang nakikita ang nangyayari sa harapan niya. Kahit na alam niyang labag sa kalooban ni Calvin ay wala naman itong magawa dahil maaari siyang mamatay kapag tumanggi ito sa gusto ni Lucy. Nakatingin lang ito sa kanya habang nagpapalit ng damit na kagustuhan din ni Lucy. Isang judge rin ang naroon na sapilitan ding dinala roon ng grupo ni Lucy. Ang lahat ng ito ay plinano ng babae nang mabulilyaso ang nauna nitong plano. "Ang gwapo naman ng groom 'ko!" masayang sabi ni Lucy nang matapos magbihis ni Calvin ng isang puting tuxedo. Habang ang lalaki ay daig pa ang namatayan sa itsura nito ngayon. "Siguraduhin mo lang na tutupad ka sa pinag-usapan natin," banta ni Calvin sa babae. Para namang baliw na tumango si Lucy rito. "Honey, wag mo n

