Calvin Bawat segundo na lumilipas ay palakas na nang palakas ang nadarama niya. Wala pa rin siyang natatanggap na update kung ano na ang nangyari kay Thea. Ang alam lang niya ay sa isang lumang gusali ito dinala sa labas ng Maynila. Hanggang ngayon ay nasa byahe pa rin sila at inip na inip na siya. Wala siyang imik habang nakatingin sa labas ng kotse. Nakadagdag sa bigat ng kanyang nadarama ang madilim na kapiligiran. Naputol ang kanyang pag-iisip nang tumunog ang kanyang telepono. Isang unregistered number ang rumehistro sa screen ng kanyang cellphone. "Hello?" aniya nang sagutin ang tawag. "Calvin..." boses ng isang babae ang kanyang narinig. At hindi siya maaaring magkamali kung sino ang may-ari niyon. "Lucy... you b***h! Anong ginawa mo kay Thea?!" aniya na hindi na itinago pa an

