Kinakabahan si Thea habang hihintay si Calvin nang gabing iyon. Hindi na siya makatiis na hindi makausap ang nobyo ngayong araw. Miss na miss na niya agad ito kahit nagkita naman sila kaninang lunch nang makita sila nito ni Gabby. Hindi na siya maghihintay na lumamig ang ulo nito, basta makapagpaliwanag nalang siya rito. Puro hintay na nga lang silang dalawa. Ilang sandali pa siyang naghintay nang matanaw niya ang pagdating nito. Kinawayan niya ito nang bumaba ito sa sasakyan nito. Bagamat seryoso ang itsura nito ay mabilis naman itong pumasok sa kanyang bakuran. Ang gwapo pa rin nito. Kahit na hindi na nakakabit ng maayos ang necktie nito at bitbit na nito ang coat nito. Bukas na rin ang ilang butones ng long-sleeved polo nito. "Hey..." bati nita rito. Nag-aalangan siya kung hahalik b

