Lucy "Aaahhhh!" wala siyang pakialam kung mukha man siyang baliw ngayon. Galit siya, galit na galit. Hawak niya ang ilang larawan nina Calvin at Thea na binigay ng tauhan niya. Tinignan niyang muli ang isang larawan kung saan makikita ang dalawa sa tapat ng bahay ni Thea. Masaya ang mga ito habang naghahalikan. Hindi. Hindi siya papayag na maging masaya ang dalawa. Sa kanya lang si Calvin Buenaventura. Hindi ito pwedeng mapunta sa iba, lalong-lalo na sa Thea na 'yon! "Sa akin ka lang, Calvin! You are mine!" sabi niya habang nilalamukos ang mga larawan ng mga ito sa kamay niya. "Bakit ba hindi nalang ako? Bakit hanggang ngayon si Thea pa rin? Hindi siya bagay sayo, Calvin. Ako, ako ang bagay sayo." Ilang araw na siyang pabalik-balik sa opisina ng lalaki ngunit palagi ay bigo siyang ma

