"Magandang araw po. Delivery po para kay Ms. Thea Carlos," isang delivery rider ang huminto sa tapat ng gate ng mga Carlos. Agad naman itong nilapitan ng isa sa mga tao ni Calvin at tinignan ang inabot ng rider dito. "Bayad na po iyan, boss. Pakipirmahan na lang po dito," inabot ng rider ang isang papel at ballpen sa bantay. Pumasok ang bantay sa bahay nina Thea at hinanap ang dalaga. Nadatnan nito ang pakay sa may kusina. "Ma'am Thea, delivery raw po," tawag niya rito. Kumunot ang noo nito ngunit hindi nagsalita. "Sige pakilagay na lang diyan sa mesa." Pagkatapos ilagay sa ibabaw ng mesa ay agad nang umalis ang lalaki at naiwang mag-isa si Thea roon. Nagtataka si Thea dahil wala siyang matandaang inorder online. Ganunpaman ay nilapitan niya iyon. May kaba siyang naramdaman ngunit k

