Nagimbal siya sa nang bumulaga sa kanyang harapan ang kaibigan matapos tanggalin ang kanyang blindfold. Nakatali si Gabby sa isang kahoy na upuan at duguan ito. Kita rin ang mga pasa at sugat nito sa mukha at katawan. "Gabby!" tawag niya rito. Tumakbo siya palapit dito. Halos hindi nito mai-angat ang sariling ulo. "T-thea..." anas nito. Hirap na hirap itong sambitin ang kanyang pangalan. "Gab..." nagsimula na namang mahilam sa luha ang kanyang mga mata. Naguguluhan na siya sa nangyayari. Ang kaibigan na pinagbibintangan ba nila ay biktima rin talaga tulad ng iginigiit nito? Bakit naman kailangang humantong sa ganito kalala ang ginawa kay Gabby. Parang kulang na lang ay patayin. "Mga walanghiya kayo! Anong ginawa niyo sa kanya?!" sigaw niya sa mga lalaking nanonood lang sa kanila ngay

