"Babe..." mahinang tawag sa kanya ni Calvin pagdating nito. Mahigpit nitong hinawakan ang kanyang mga kamay na kanina pa nanlalamig at nanginginig. "Babe!" yumakap siya sa nobyo. Hindi niya talaga alam ang gagawin kaninang wala pa ito. Alam niyang agad na nag-report dito si Brandon kanina matapos ang nangyari. "Calm down, it's going to be okay," marahan nitong hinahaplos ang kanyang likod para makalma siya. "Ano bang nangyayari?" kanina pa niya iyon gustong itanong ngunit hindi naman niya alam kung paano magtatanong sa mga tao ni Calvin at sa mga pulis. "They are still investigating," sagot ni Calvin. As if on cue, isang pulis ang lumapit sa kanila. Dala nito ang kahon na inihagis kanina ng tao na nasa loob ng itim na sasakyan. "Mr. Buenaventura, Ms. Carlos," tawag nito sa kanilang d

