"Gaga ka ba talaga, ha, Thea?! Gusto mo ba talaga 'kong mamatay ng maaga? At bakit ako sasama sa inyo ni Calvin?" Nanlalaki na naman ang mga mata nito sa kanya at pakiramdam niya ay kakainin na siya nito ng buhay. "Bakit naman hindi?" tanong niya. "Gab, sige na." "Bakit ba kasi nagpapakipot ka pa? Ayan na eh, okay na. Alam na rin natin ang dahilan kung bakit hindi agad siya nakabalik," litanya ng kaibigan sa kanya. "Gusto ko lang naman maramdaman kung paano suyuin ni Calvin. Masyado naman kasing mabilis 'yong dati samin." "Anong drama naman 'yan te? At bakit pati ako idadamay mo pa. Kita mo naman ang mga tingin sakin ni Calvin! Oo, gusto kong tinitignan ako ng pogi, pero hindi naman iyong paramng papatayin." Natawa siya sa sinabi nito. Ang layo naman sa katotohanan ng pinagsasabi nit

