Calvin "Let's start anew..." paulit-ulit niya nang iniisip ang sinabing iyon ni Thea. Ang akala niya pa naman ay magbalikan na sila ang ibig sabihin ng dalaga. Pero mukhang iba ang gustong mangyari ng dating girlfriend. Matapos kasi ng dinner nila ay hindi na siya nito muling pinagbigyan pa. Idagdag pang palagi nitong kasama ang... ang... aaaahhhh! Wala ba talagang napapansin si Thea sa mokong na Gabby na 'yon? Pakiramdam niya kasi ay may itinatago ang lalaking iyon! Nahampas niya ang manibela ng sasakyan sa sobrang inis. Naroon siya ngayon sa harap ng building kung nasaan ang opisina nila Thea at tulad ng nakaraan ay napahiya na naman siya. Hindi ito pumayag na mag-dinner sila. "Babe, ano bang gagawin ko sayo?" Ang akala pa naman niya, pagkatapos ng nangyari sa resort ay magiging o

