"Ibaba mo na 'ko," aniya kay Calvin nang makarating sila sa parking lot ng hotel na iyon. Tila walang narinig ang lalaki na tuloy-tuloy lang na naglalakad papunta sa sasakyan nito. Hindi na siya nakipagtalo pa dahil, una, totoong masakit na ang kanyang mga paa dahil sa ilang oras na pagtayo at paglakad sa party na 'yon. Pangalawa, alam niyang wala rin naman siyang magagawa sa kakulitan ni Calvin. "Wala nang Bianca rito," aniya nang malapit na sila sa kotse ni Calvin. Marahan na siyang binaba ni Calvin at inalalayang makatayo. "Are you sure you're okay?" nag-aalala nitong tanong. She made face. "Kung sinabi ko bang okay ako, hindi mo na ko bubuhatin?" "No." "Bakit nagtatanong ka pa? It doesn't matter anymore," mataray niyang sabi rito. "At bakit ba may pabuhat-buhat ka pa? Nakaka

