Chapter Twenty Eight

1403 Words

Tulala si Thea sa kwarto niya. Agad siyang nagpaalam umuwi matapos malaman ang pagkakasangkot niya sa isang eskandalo. Mabuti na lamang at naintindihan ni Miguel ang sitwasyon. Nangako naman si Gabby na pupuntahan siya sa bahay mamaya pag uwi nito upang samahan siya. Pakiramdam kasi niya ay kakainin nalang siya ng lupa sa sobrang kahihiyan! At si Calvin, hindi pa rin niya matawagan. Maging ang sekretarya nitong si Jean ay wala rin daw ideya kung nasaan ito. Basta nalang daw itong nagsabi na hindi makakapasok at hindi na rin matawagan. Abala na rin ngayon ang opisina nito sa pagsagot tungkol sa kontrobersiyal na larawan nila, ayon kay Jean. Panay na rin ang tunog ng kanyang cellphone. Ngunit hindi niya iyon magawang sagutin dahil hindi rin niya alam ang sasabihin. Hindi rin niya alam

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD