Hindi mapakali si Thea sa kinauupuan. Nanlalamig din ang kanyang mga kamay sa sobrang kaba. Naroon siya ngayon sa bahay ng mga magulang kasama si Calvin. Nagpunta sila roon para magpaliwanag tungkol sa eskandalong kinasangkutan nilang dalawa. Tumingin siya sa katabing lalaki na prenteng nakaupo lang. Paano kaya nito nagagawang mag-relax?! Marahan siyang napalunok nang bumukas ang pinto sa study room ng daddy niya. Sumalubong sa kanya ang mga mata ng ama. Wala siyang makitang ekspresyon mula roon. Kasunod nito ang kanyang mommy. Ngayon lang siya kinabahan nang ganito sa harap ng mga magulang. Her parents are always calm and kind. Masunurin silang anak ng kuya niya kaya naman hindi sila naging problema ng mga magulang. Well... hindi counted ang sikreto nila ni Calvin noon. But come t

