Kung nakamamatay lang ang tingin, kanina pa tumumba si Calvin sa talim ng mga titig niya rito. Ngunit hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit hindi siya nakapalag sa lalaki nang iuwi siya nito sa bahay nito. Oo, naroon sila ngayon sa bahay nito, katabi ng bahay niya. Uuwi na siya sa bahay niya kanina pagkagaling sa bahay ng mga magulang ngunit hinila siya nito papunta rito. "I told you, everything's fine. I've talked to them already and I assured them that the pictures were gone," narinig niyang sabi ni Calvin sa kausap nito sa telepono. Hula niya ay ang mga pictures nilang dalawa na naghahalikan ang tinutukoy nito. Sinabi sa kanya ni Calvin na nabura rin daw iyon nang araw na lumabas iyon ay patuloy pang tini-trace ng mga tao nito ang iba pang kopya. May mangilan-ngilan pa raw k

