Windang pa rin si Thea kahit nang nasa opisina na sila ni Gabby. Hindi niya talaga inasahan ang ginawa ng kaibigan. "Wag mo kong tignan ng ganyan, Theresa. Babae pa rin ako at hindi magbabago 'yun kahit ilang Papa Calvin pa ang sumugod sakin!" sabi sa kanya ni Gabby nang lumapit ito sa kanya. "Huh?" nagulat siya sa biglaang paglapit sa kanya ng kaibigan. "Ano ba, Thea?! Wag mo nga akong tignan na para bang out of this world ang ginawa ko kanina. Kinikilabutan pa rin ako kapag naaalala ko 'yon!" "Eh, bakit ba kasi ginawa mo 'yun? Tapos magagalit ka na ganito ang reaksyon ko?" Tumingin sa kanya ang kaibigan at nameywang. "Nagtanong ka pa? Ano pa? Edi syempre para protektahan ka. Mukha kang kawawa kanina nang makita mo si Calvin na may kasamang dyosa." Napayuko si Thea nang muling maala

