"MIKAELA...."
"Bitiwan mo ang siko ko,Leo nagbabatang wika ni Mikaela ng sunduin siya nito sa labas ng campus. " Hindi mo na ako dapat pang sinundo.O talagang gusto mong ipaalam sa lahat kung ano ka talaga?"
Kotralado niya ang tinig.Halos bulong lamang ang bawat lumabas sa kanya ng bibig.
"Mikaela, we can't live like this forever.
Hindi mo Alam kung gaano ako nahihirpan sa loob ng mahabang panahon.Hindi rin ako pinatatahimik ng
nangyari..."
"Dapat lang,Leo,dapat lang na hindi magkaroon ng katahimikan sa isip." Marahas niyang inalis ang kamay nito sa kanyang siko.
"Mikaela...'
Papalapit sa kanila si Mike bagay na lalong nakadagdag sa init ng ulo ni Mikaela.
" Hi,Mikaela...""Nakaingos na iniwas niya ang mukha Kay campus na isa siyang easy lay.Kumakalat na nai-motel siya nito noong mai-date siya.Hindi lamang pala ito playboy,saksakan pa ng kasinulingan at kahambugan.Kung lalapit pa itong multi sa kanya ay talagang masasaktan niya talaga ito.
"Who was that?"tanong ni Leo na ang tinutukoy ay so Mike.
" Isang slang kwentang tao na kagaya mo,"paasik na sagot niya.
Hindi na lamang ito nagsalita.Tahimik nitong minaneho ang kotse.
Pagdating ng bahay ay hindi niya hinintay na ipagbukas nito ng pinto.Nauuna siya ritong pumasok sa loob ng bahay.Nakasalubong niya so Anna na paalis na.kamuntik pa niya itong mabangga.
"Ma'am Mikaela,mukhang lasing ka yata,"biro nito.
Ngunit hindi niya magawang gantihan iyon. " Pasensya na ho," tanging nasabi niya at nagmamadali nang pumanhik sa hagdanan.
KINALABOG ni Leo ang pinto mg silid no Mikaela.Hindi ito titigil hangga't Hindi pinagbuksan kaya napilitan dalaga na papasukin ito.
"Magpaliwanag ako,Mikaela," anito.
Anong klaseng,paliwanag ang makakaalis sa galit naramdaman ko para sa iyo. Leo?" Mikaela,aksidente ang nangyari.Akala ko ay mamahaling bagay ang ninakaw sa akin..
I asked the guard to shoot him...but not in a death point. Sinabi kong barilin lamang sa paa para mahuli namin.."
"It doesn't matter,Leo,hindi issue kung saan mo siya gustong ipabaril.He was shoot in the chest..." Humagulgol siya. "He was too young that time.He was only twelve years old...at hindi mamahaling bagay ang kinuha niya.He was trying to save his sister who was dying from hunger."
When I found out what he stole from the house I died inside,Mikaela.Hindi alam kung ilang gabi akong hindi nakatulog.Hindi ako makakain.I was telling all those doctors to save his life.
I even planned to take him out of the country to save him.But my money had nothing to do.He lived for one week and died..."
Isinubsob nito ang mukha sa magkabilang palad.Pagkatapos at umuga ang magkabilang balikat.""God knows how much I regret it.Some of my emotion died with him.
That is the reason why I'm still single until now. I couldn't bring myself to have pleasure because I feel so guilty. I wanted to punish myself as far as I could... "
"Kailan mo pa nalaman na ako ang kapatid niya?" puno ng galit na tanong niya.Hindi pa rin maibsan ang kanyang poot sa kabila ng nakikitang paghihirap ng kalooban nito.
"Matagal na hindi ba?Matagal mo nang alam na ako ang kapatid niya?You planned every thing...you fool me from very start.. kaya pala ayaw mo sanang magpakilala sa akin..."
"Your elder brother asked me to find you.
He made me promised to take of you as long as I lived. He even made me promised to marry you at the certain time. Pinangako rin niya ako na ilihim sa iyo ang to too dahil alam niya na hindi mapapatawad. Tinupad ko lamang ang pangako ko sa kanya,Mikaela.
Dahil kung ako lamang ang masunod ay Matagal ko nang sinabi sa iyo na ako ang responsible sa pagkamataya niya.."
" Niloko mo pa rin ako. Ni hindi mo sinabi sa akin na patay na siya.Pinaasa mo ako na pagdating ng araw ay magkikita making muli.
Iyon pala ay hind na iyon mangyayari pa dahil Patay na siya."Muli siyang umiyak.Walang kasing ang naramdaman niya nang mga sandaling iyon.Hindi masusukat sa salita.
"Bakit hinayaan mo pang mapalapit nang husto ang loob ko sa iyo?" sumbat niya."Hindi sana ganito kasakit kung hindi tayo nagkalapit..."
She knew he was crying too.Nang tingnan niya into,regret was all over his handsome face.Ngunit kahit na gaano pa man kalaki pagsisisi nito ay hindi na maibabalik pa ang buhay ng kapatid. Ang kamaliang ginawa nito ay bind na maitutuwid pa.
PINUNIT ni Mikaela ang blank check na iniabot sa kanya no Leo.Hindi niya iyon kailangan.Nakahanap na siya ng trabaho.
Natanggap siya ng waitress sa isang restaurant at panggabi ang duty niya.Bayad na ang year tuition niya kaya sapat na ang suweldo niya para maka survive. May nakita na siyang kuwarto na rerentahan.
"Please, Mikaela,don't do this to me,"
pakiusap ni Leo habang tinitigan ang pira-pirasong ng tseke. "Hindi ako mapalagay habang iniisip ko na nahihirapan ka sa buhay.
" Bakit ka pa makokonsenya?Wala ka naman niyon. You didn't help me for a good reason. Gusto mo lang talagang palabasin na ako pa ang may utang na loob sa iyo.
.."Alam ko na Alam mo na hindi 'yan ang to too,Mikaela. Pero kung sa ganyang paraan maiibsan ang sama ng loob mo ay hahayaan kitang isipin 'yan."
Hindi na siya nagsalita pa.Isa-isa niyang inihagis sa loob ng suit case ang kanyang mga damit.
"So sad,lahat ng meron ako ay galing sa iyo,Leo," puno ng pagkasuklam na wika niya.
"Kaya bind ko magawang magsumbong sa mga pulis.Pasalamat ka at kahit papaano ay tinatanaw ko parin g utang na loob sa iyo ang huwad mong pagtulong sa akin."
Hindi na nagsalita pa so Leo.Nakasandal na lamang into sa Dingding habang nakatingala sa kisame.Tila tahimik iting nagdarasal.
"HOW happy I am to see you away from my man.
Mula sa kinakain ay nag-angat ng tingin si Mikaela. Nagulat siya nang makita si Pia na nakatayo sa harapan niya. Wala siyang ideya kung ako ang ginagawa nito sa university na pinapasukan niya..
..." Dito ako nag-aral ng college, "wika nito nang mabasa marahil ang laman ng kanyang isip.Dinadalaw ko lamang ang dati kong professor pati na ang may-ari ng school.Hindi mo naitanong,malapit ako sa management Kaibigan ng papa ko angay-ari ng school na ito. Malakas na malakas ako rito," puno ng kayabangan pagbro-brodcast nito..
Wala siyang pakialam ano man ang koneksiyon nito roon. Hindi siya interesado dito.
Naupo ito sa tapat niya kahit hindi niya inalok. "So, what made you changed your mind?"
Nagtatanong ang mgaata niyang tumitig dito,"
"You know what I mean.Tinatanong
kita kung ako ang nakapagmulat sa iyo para layuan ko si Leo. He's a very good catch girl,right? Marami ang humahanting sa kanyang babae. At sa to too lang ay Hindi ko inaasahan na pakakawalan mo siya."
"Ikaw lang naman ang baliw na baliw sa kanya," wika niya dala na rin ng nabuhay na ang galit para sa sinapit ng kanyang nakakatandang kapatid. "He's not a hero material kung 'yan ang iniisip mo, Pia."
Napamulagat into sa kanya."Matapos ka niya tulungan ay ganyan pa ang igaganti mo sa kanya? Tama siya noon pa man,walang mga utang na loob ang mga hampas lupa.ang tigas naman kasi ng ulo niya.Matapos sila Ahasin ng pamilyang tinitulungan nila ay nagpaka philanthropy siya.Alam mo ba?Pinatay sa saksak ang mga magulang niya ng mag-amang driver at hardinero na sa kanila nakatira? He really hated poor people dahil walang utang na loob ang mga ito.
Nagtataka nga ako kung bakit kinupkop ka niya.Mabuti na lang nagising din siya bago pa man mahuli ang lahat..."
"You don't know him at all," puno ng kahulugang wika niya.
"Aba,at talagang gusto mo siyang siraan sa akin. Good then,makakarating ito sa kanya..." Pakisabi ay tumayo na ito at nakairap na umalis.
Wala na siyang ganang kumain.Nawala ang gutom niya habang sa likod ng isip ay nagbalik ang eksenang iyon na dumudurog sa kanya ng puso. Ang hitsura ng kuya Jason na nag-abot sa kanya ng supot ng pagkain habang naghahabol ng hininga.
Sa pagkabuhay ng masakit na alala ay namatay na rin yata ang loob ng pagkatao niya.