PALIBHASA'Y maganda at exotic ang beauty ni Mikaela maraming lalaki ang nagkainteres na manligaw sa kanya.Sa university na pinapasukan ay lumapit at nagpakilala Kay Mikaela ang senior students, nagmamagandang loob na ihatid siya mg mga de kotseng studyante.
Pero ayaw ni Mikaela. Hindi niya gusting pagsabayin ang pakikipagligawan sa pag-aaral.Subsob siya sa pay aaral kahit or as ng break time.Sa library siya laging pumupunta para magbasa at gumawa ng mga assignments. Hindi na niya iyon dinadala pa sa bahay.
Minsan ay napagtuunan niya ng pansin ang mga diyaryo da library.Naisipan niyant magbasa ng mga lumang- lumang issue.Ginawa niya iyon sa pagbabakasakali na ring may balita siyang mabasa na may kinalaman sa nawawala niya kapatid.
Isang dangkal na diyaryo ang ipinagpaalam niyang hiramin sa librarian.
Dinala niya iyon sa isang bakanteng mesa.
Libre siyang akupahin iyon kaya naman malaya niyang nabuklat nang buong-buo ang bawat pahina nt diyaryo.Halos nabuklat na niyang lahat ang mga pahina ay wala pa rin siyang nakitang interesting basahin.Ibabalik na lamang niya ang mga iyon nang may larawang umagaw sa kanyang atensiyon.
Pamilyar na pamilyar sa kanya ang mukhang nasa larawan.At ang headline na nakasulat ay parang tumupok sa kanyang pagkatao.
Nanginginig ang buong katawan na binabasa niya iyon.Pagkapos ay ganoon na lamang ang pagkuyom ngagkabila niyang kamao.
Matindi ang sama ng loob na naidulot sa kanya ng nabasa sa lumang diyaryo.Ayaw niyang umuwi ng bahay sa tindi ng galit,sakit ng kalooban at regret.Halu-halong emosyon ang bumangon sa dibdib niya at napakahirap dalhin.
"Are you all right?" tanong sa kanya ni Mike,graduating na ito sa kursong mechanical engineering. Sikat ito sa campus
"You look strange," tila concerned na sabi nito.At saka siya inimbitanf lumain sa labas.
Absent ang professor ng kanyang last subject kaya pinagbigyan niya any imbitasyon nito para na rin makapag- relax.
"MATAGAL na akong nag-iisip kung ano talaga ang relasyon no Leo Mondragon,Mikaela," opening line Mike nang nasa loob na sila ng ice cream bar."Hindibl kayo magkadugo sabi mo.Pero bakit sa kanya ka nakatira?"
"Dahil iyon ang gusto niya." walang emosyon sagot niya. "Kinupkop niya ako matapos kong umalis sa bahay ampunan.Hindi na kasi puwedeng manatili doon kapag eighteen years old above na.Siya ang sponsor ko habang naroon ako."
"Don't you ever doubt his motives?" puno ng malisyang tanong nito. "He's a man and single at his age.Alam ko na matanda na siya dahil ka-klase niya and auntie ko. Think this Mikaela.Hindi maganda magkasama kayo sa iisang bahay dahil Hindi naman kayo magkadugo.Hindi ka ba natatakot na baka mapag samantalahan ka?"
Nakakainis and mga sinabi nito.Pero wala siya sa mood para makipag- argumento.Sa halip tinanong niya ito kung pwede silang uminom ng alak sa isamg lugar.
Nangislap naman ang mga mata nito sa katuwaan.Agar siya nitong dinala sa isang music bar na nagse-serve ng iba't- ibang klaseng alak.
"What is your problem? Bakit gusto mo yatang maglasing?" tanong nito matapos niyang tunggain ang alak na isinalin nito sa kanyang baso.Kahit Hindi masarap ang kanyang pangiwi dahil sa lasa ng alak.
"Wala akong problema .Gusto ko lang uminom para maka-relax ako ng kaunti.
" Hindi ka kaya pagagalitan ni Mondragon niyan kapag umywi kang lasing?" tila may panunuya da tinig nito.
Umiling siya."Wala siya rito,nasa isang business trip."Inilapit niya ana baso rito upang salinan pa nito ng alak.
Sa pakiramdam niya any gusto run nitong malasing siya dahil halos punuin na nito and kanyang baso.
Nainis naman siya.Hindi na niya iyon ininom at sa halip at bigla na lamang nagyayang umuwi.
"What?" napuno ng disappointment ang tinig nito.Uuwi na tayo?Hindi pa nga tayo nakapag-enjoy."
Tumaas ang isang sulok ng bibig niya.
"Anong klaseng enjoyment naman ang iniisip mo?" naiinis na tanong niya.
Natahimik into.
"Pare-pareho kayong mga lalaki." mariing wika niya. "Mapagsamantala," akusa niya rito nang mapansing nasa ibabaw na ng kanyang hita ang kamay nito.Marahas siyang tumindig at tinawag ang waiter.
Siya na ang nagbabayad sa kanilang order.Nakipag-unahan itong magbayad ngunit mas maagap siyang nag-abot ng pera sa tagapagsilbi.
"What is wrong with you?" reklamo ni Mike nang tunguhin niya ang pinto.
Nakabuntot into sa kanya. "Pinagbigyang lang naman kita sa ungot mong makipa- inuman sa akin. Wala akong balak na lasingin ka at dalhin sa motel."
Isang matalim na tingin ang ipinukol niya rito nang lingunin niya.Sinasabi na nga ba niya at iyon ang inisip nito.
"Tandaan mo into,ang isda ay nahuhuli sa bibig," aniya sabay lakad ng mabilis.Hindi na ito sumunod marahil ay napahiya.
"ANONG problems,Mikaela?Bakit sabi ni Anna ay umuwi ka daw minsan na nakainom at pagtapos niyon ay lagi ka na lang daw aburido?" malumay na tanong sa kanya ni Leo nang dumating ito mula sa business trip nito.
Hindi siya sumagot.
"Spell it,Mikaela!"
Bumuka ang kanyang bibig.Ngunit tila may kung anong damdamin ang pumipigil sa kanya magsalita.
"Mikaela?"
"Male-late na ako sa school,Leo.Kung hindi mo ko maihatid ay maghe-jeep na lang ako." Tumayo na siya mula sa pagkaupo Sa armed chair. Alan niyang kagabi lamang ito dumating.Gising pa siya nang noon Pero hindi siya nag- abalang salubungin ito.
"Ihahatid kits,Mikaela."
"Sigurado ka?"
"Bakit ba ang sungit mo ngayon?"
"Huwag muna akong ihatid. Mas mabuting masanay akong mag-jeep dahil hindi naman habam-buhay ay puwede akong mantili sa anino ng kayamanan mo."
"Mikaela, Have I done something wrong?"
Hindi siya sumagot,tiningnan lamang niya ito.
"Mikaela,don't act like this.Mahirap iyong hindi ko alam kung ano ang ikinagagalit mo."
"Maraming lumang newspaper da love library Leo," puno ng makahulugang sagot niya.
Namutla ito.
"Alam mo na siguro kung ano ang nagawa mo kaya hindi ko na dapat i-refresh sa isipan mo.Mautak ka, Leo,bilid ako sa diskarte mo.Nagawa mo pang palabasin na matulungin ka at mayroon akong utang na loobbsa ito."
"Mikaela,my motive is."
"Tama na Leo.Huwag ka ng magpaliwanag pa.Mananahimik nalang tayong pareho.Hayaan mo,hindi ko ibubulgar ang tunay mong pagkatao.Hindi rin ako makaalis ng ura-urada sa poder mo dahil Wala naman akong ibang mapuntahan.Pero maghahanap ako ng trabaho at asahan mong kapag nakahanap ako ay aalis agad ako.
" Mikaela, please,listen to me..."
Ngunit ayaw niyang makinig.Punong-puno ang luha ang mga mata niyang tumitig rito."Bakit mong nagawa anf ganoon?
Bakit kailagan mo pang dagdagan ang kasalanan mo?Bakit nilinlang mo ako at ginawang tanga sa loob ng napakahabang panahon?"
Tinakpan niya ng mga palad ang magkabilang tainga. "Malinaw na sa akin ang,Leo. Wala lang balak na ipaalam sa akin ang buong katotohanan.Balak mo akong pagmukhaing tanga habam-buhay.
Nagtagumpay lang paglaruan ang damdamin Jo.Tiyak na pinagtawanan mo ako kapag nakatalikod.Pero tapos na ang pangloloko mo sa akin,Leo.Alam ko lahat-lahat."
Nang tumakbo siya palabas ng pinto ay hindi siya nito sinundan. Marahil ay naestuwa ito sa kinaroonan.