
PROLOGUE
"Kuya nagugutom na ako," daing ni Mikaela sa nakakatandang kapatid habang sapo ang sumakit na Tiyan.Kanina pa sila naglalakad sa kahabaan ng Edsa ngunit wala naman silang tiyak na patutunguhan.
Mag-isang buwan nang namatay ang kanilang mga magulang. Biktima ng hit and run and mga ito.Ubos na ang pagkain Nila at wala na silang pang-renta sa bahay na tinutuluyan kaya pinalayas sila ng may-ari.
"Kaunting tiis,bunso," malambing na wika ng kuya niya.Alam niyang nagugutom rin ito ngunit tinitiis nito.Nakangiwi na nga ito.Ang sakit na ng mga paa Nila dahil wala silang mga tsinelas..
Kung sana ay mayroong silang kamag-anak na matutuluyan at nakapaghinga na sana sila.kaya lang ay dayo lamang ang kanilang pamilya sa Metro Manila.Nasa Visayas ang kamag-anak Nila at Hindi naman sila makapunta dahil wala silang pamasahe.
"Sana at nakitira na muna tayo kia Aling Linda,Kuya", tukoy Niya sa isa sa kanilang kapit-bahay sa squatter's area.
" Naku,hikahos rin sila sa buhay at baka masira pa ang buhay natin dahil sa klase ng pamumuhay nila,"anito. Kilalang mandurukot ang asawa ni Aling Linda at maging ang mga anak ng mga ito na natututo na ring gumawa ng masama.Iba't-ibang klaseng kasamaan ang nakikita Nila squatter's area at Hindi nila gustong Habang buhay na mananatili sa ganoon lugar.
"E" Paano,'yan?"tanong Niya na tumitigil sa paghakbang ?Saan tayo kukuha ng pagkain?Wala naman tayong pera,eh." Bukod sa mga damit Nila ay wala na silang ibang gamit na nadala dahil hinila na iyon ng may-ari ng bahay na kanilang tinitirhan.Ilang buwan na ka raw kasing Hindi nagbabayad and mga yumao nilang magulang.Pambabasura lamang kasi ang hanap -buhay ng mga ito at silang dalawang magkakapatid ay pinagsumikang makapag-aral sa Elementary Public School.
"Mangalkal tayo ng basura." anito.
Ngunit Alam niya na bago sila magkapera ay Kailangan muna Nila makahukay ng maraming basura.Matagal pa iyon.Hindi na makapaghintay ang sikmura niyang ilang araw ng hindi nakakain.
"Hinang-hina na ako,Kuya,eh." Tumulo na ang luha niya.
"Kaunting tiis," anito.Nakarating sila sa Quezon Ave Kumanan sila nang makarating sa MRT station .Sabi ng Kuya niya ay pupunta raw sila sa bahay ng mga mayayaman para manghingi ng pagkain.
Ngunit nalugmok na siya sa tabi ng kalsada.
"Bunso !" bulalas ng Kuya niya na taranta siyang dinaluhan.
"Gutom na gutom na ako,Kuya!" Umiiyak na siya
Tinutulungan siya nitong makabangon at pinaupo sa bench na nasa ilalim ng punong labas ng bahay na ginagawa pa lamang.Pagkatapos ay nagpalinga-linga ito.
"Dito ka lang.Diniin Niya ang tiyan habang magkalapit ang kanyang tiyan at mga tuhod
May ilang minuto rin siyang naghintay bago niya nakita ang kanyang Kuya na tumatakbo palapit sa kanya. May tinatakasan ito natitiyak niya.Bitbit ang supot sa kanang kamay ay bigla na lamang
itong tumimbuwang makaraan isang malakas na putok ng baril.
" Kuya!"sigaw niya nang makitang duguan ito.
Nkaunat ang kamay nitong may hawak na supot."H-heto,bunso ...kunin mo ang pagkain mo ...at pagkatapos tumakbo ka."
Ayaw niya itong iwan.Dinaluhan niya ito.Subalit itinutulak siya nito."Takbo na bunso...b-barilin ka Nila...takbo na...."
At saka niya muling narinig ang putok.At saka naman siya pilit na itinutulak ng kapatid.
"Sige na bunso.Makinig ka sa Kuya ...takbo na...Nangilid na ang mga luha nito." Huwag matigas ang ulo ...takbo na...takbo..."
Sinundan iyon ng isa pang putok ng baril dahilan upang masindak si Mikaela.
Luhaan ang mga matang tumatakbo siya habang ang isip ay labis na tini-torture ng kalagayan ng kapatid. Paano na ito ?Sinong magdadala nito sa hospital?

