May kung anong damdamin ang nagising sa kalooban ni Mikaela na Hindi mabigyan ng pangalan.Palakad-lakad siya sa loob ng magarang silid na ibinigay da kanya ni Leo.
Kumpleto iyon sa mga kagamitan.Bukod sa TV set ay mayroong personal computer at piano.
Mayroong ding personal ref para hindi na siya lumabas kapag nakadama siya ng gutom sa mga alanganing oras.
NASA tapat lamang and silid ni Leo.
Matindi ang pagpigil ni Mikaela na huwag itong katukin.
"Ano ba any nangyari sa akin? Bakit ganito na lamang ako re- restless?At bakit gustong- gusto Kong makita ang mukha ni Leo."
Napabuntung -hininga siya nang sunod-sunod sumampa sa kanyang kama.
Kailangan niyang matulog dahil bukas ay mag e-enroll siya sa college.Sasamahan daw siya ni Leo mag- exam sa mga kalidad na university.
He cares for me too much,anang isip niya.
Mas special siya kaysa ibang batang tinutulungan nito.May ibig kaya iyong sabihin?
Tumigil ka sa kaiisip ,Mikaela,saway niya sa sarili at saka nagpikit ng mga mata.
"P-pasensiya ka na,Leo,hindi ako kasing competent gaya ng akala mo.," nahihiyang paumamhin ni Mikaela dahil hindi pumasa sa entrance examination sa UP DILIMAN.paano naman kasi at nawalan siya ng ganang mag -aral roon nang makita ang hubad na rebulto.Iyon ang nakakintal sa isip niya habang kumukuha ng exam.
Hindi tuloy iyon nasagot nang maayos.
"No problem,Mikaela.Marami pa namang schools na pwede mong pasukan ."
Sa UST siya pumasa. tuwang-tuwa si Leo dahil mataas ang standard ng university na iyon. Pagkagaling sa school ay dumiretso sila sa bookstore.Ipinamili siya nito ng lahat ng mga kailangan niya sa pag-aaral ng college.
"Leo,puwede bang magtanong," pukaw niya rito habang nasa loob sila ng pizza parlor at nagmemerienda.Kanina pa niya napapansin na malalim ang iniisip nito.
"Sure.Ano,iyon?"
"Wala ka bang girlfriend?"
Umiiling ito.
"Kahit minsan?"
"I had so many girlfriends before I reached twenty four," sagot nito parang kung may anong masakit na bagay na inaalala.Hindi na ako nagkaroon ng layang makipag-relasyon kahit kaninong babae."
"I can't understand."
"I made a promise to someone.... to marry..." umiling ito."I don't feel comfortable talking with my personal life,Mikaela.Mas mabuti pang iba na lang ang pag-usapan natin. "
"Mayroon akong nakatatandang kapatid.
Nagkahiwalay kami when I was ten years old.
Hindi ko alam kung buhay pa siya o patay na.
Walang nagawa ang orphanage para mahanap siya."
Nakatingin sa labas ng bintana si Leo
ngunit tiyak nang nakikinig ito sa kanya."He might be dead,"may pait sa tinig nito."Kung buhay man siya ay naniniwala akong magkikita kayo pagdating ng araw "
"Sana mga," dalangin niya at daka pinansin ang pizza pie na dalawang hiwa pa lamang ng nabawas "Bakit hindi ka kumain? Hindi ko ito maubos."
"I don't feel like eating.Mikaela. Ipabalot na lang natin kapag hindi no maubos.Ibibigay natin sa street children
na nasa labas,"
Iyon nga ang kanilang ginawa.Habang nagbibiyahe sila pauwi ay tahimik na tahimik si Leo.Batid niyang mayroon itong malalim na Ipinagbukas siya "Ready ka na ba Mikaela?" tanong sa kanya ni Leo nang magtungo siya sa sala.First day of school Nakadama siya ng kaba at the same time ay excited din.
Tumango siya.
"Good,Tara na". Nagpatiuna na itong palabas ng bahay
Nakasunod siya rito,nakatitig sa maganda nitong likod.
" Hindi mo na ako kailangang ihatid pa, Leo ."aniya."Magje-jeep na lang ako...
"Naka-set na ito.Mikaela.Ihahatid sundo kita sa school."
"Masyadong abala ito sa iyo..."
"Okay lang,Mikaela,papasok din naman ako sa opisina.Pag-uwi ko at susunduin kita sa school mo,very convenient."
"Nasabi na ito sa kanya ang klase ng negosyo nito.Supplier ng steel product.Iyon daw ang business na ipinamana rito ng mga yumaong magulang.
Ipinagbukas siya nito ng pinto at inalalayang sumakay.Paalis na sila nang may dumating magarang sasakyan.Iyong latest na Volvo.Isang maganda at seksing Babae ang bumaba. Naka-sunglasses at stretchable pants.Naka-tube blouse na kulay peach.
Lumapit ito sa Kanilang sasakyan.kinatok.
" Kaibigan mo ba talaga ang babaeng iyon, Leo?"Tanong ni Mikaela.
Tumangobang binata.
"E,bakit gano'n siya,Parang kakaiba ang ugali niya kaysa sa iyo.Paano kayo magkasundo?
Tingin ko at very opposite ang mga character ninyo."
"Magkaibigan ang mga parents namin," ani Leo. "Spoiled lang iyon dahil nag-iisang anak.Pero okay rin naman siya kapag nakasundo mo ang ugali niya."
Sa palagay niya at Hindi mangyayaring makasundo sila ni Pia.Mayroon kasi siyang naramdamang silent war sa kanilang pagitan.