Chapter III

1196 Words
NAPAATRAS si Mikaela.Hindi niya akalain na mag-aabang sa kanya si Pia sa front door ng bahay ni Leo. Parang doon ito nakatira kung ang tindig nito ang pagbabasehan. "Ikaw pala," wika niya na natutop ang dibdib. "We need to talk," Marion nitong wika. Pinasunod siya nito sa sofa at pinaupo. "Tungkol saan ang pag-uusapan nation?" maang na taking niya. "Tungkol kay Leo.Mabuting malaman mo mula sa akin mismo na akin siya.Akin at akin lamang..woooooh!"ani niya. " Akala ko ba at magkaibigan lang kayo..." "Yes that's right.Magkaibigan nga lamang kami pero kami ang nakatakdang para sa isa't- isa. Mga bata pa lamang kami at napag-usapan na ng mga magulang namin na balang araw ay ikakasal kami ni Leo." Okay,ani ni Mikaela. Wala ka bang ibang sabihin?"ani Pia.Bakit ano bang gusto mo ang sasabihin ko sayo? Mula sa kusina at lumapit sa kanila si Leo."I'm sorry to be rude to you,Pia,pero mas mabuting magkalinawan na tayo.Nabura na ang kasunduang iyon ng mga magulang natin nang mamatay sina mama at papa. Besides,I don't think they are serious about it. Bahagi lamang iyon ng paglalambing nila sa atin noong mga bata pa tayo." Namula nang husto ang mukha ni Pia sa pagkahiya. "Ano ba,Leo? Bakit ganyan ka na lamang kung ipahiya mo ako? May iba ka bang balak pakasalan?" Sumulyap ito Mikaela. Umiling naman si Leo."The truth is I don't want to have a relationship with any woman,Pia." "That's silliy!bulalas ni Pia." But why is that?. " My choice,Pia." "Ano ngang dahilan at takot kang makipagrelasyon? Hindi ba't marami ka namang naging girlfriend s in the past?" "Yeah.But I had stop having a relationship long time ago." "Bakit nga.Leo?"pangungulit in Pia. " Puwede bang sabihin mo sa akin ang dahilan?"hinila nito ang laylayan ng manggas ng polong suot in Leo. Ikinainis naman iyon in Mikaela. "Stop that, Pia," tahasang saway niya rito. "Napaka-unmannered mo sa gesture na iyan." Agad naman binitawan ni Pia ang laylayan ng manggas ng polo shirt ni Leo.Halatang labis na napahiya,namumula ang mukha. "We aren't through with this issue,Leo.I came back in the Philippines to win your heart. Antagal ko ring nagtiis na mapalayo sa iyo sa page -asang sa pagbabalik ko at titigil ka na sa paglalaro at seseryosohin mo ako.Iyon pala,pagkatapos mong makipaglaro sa maraming Babae at isasara mo ang puso mo?That is really a stupid thing!" Galit nitong umalis. Isunukbit in Mikaela ang kandong na bag. Hindi siya nasundo kanina no Leo,dahil mayroong meeting ang lahat ng fresh college. Umabot din iyon ng tatlong oras kaya nag-taxi na lamang siya pauwi.How true is it,Leo?"tanongbniya nang tumindig."Talaga bang ayaw mong makipag- relasyon? Bakit nga naman? Hindi mo pa rin sinasabi sa akin ang tunay na dahilan. " "I am committed to marry someone five years from now,Mikaela. " nakayukong wika nito."That the real reason." Nakadama siya ng matinding disappointment. "Ganoon pala," So committed ka na pala.Dapat at ganyan ang sinabi mo kay Pia. "She wouldn't understand. kukulitin niya lamang akong sasabihin sa kanya kung sino ang babaeng pakakasalan ko five years from now. " Hindi ko rin ba puwedeng malaman?" Umiling ito. Hindi na siya nangulit.Pumanhik siya sa kanyang silid at matamlay na nagbihis. Isang palaisipan sa kanya kung sino ang babaeng nakatakdang pakasalan ni Leo.At Kung nasaan ang babaeng iyon. "Bakit ayaw niyang ipakikila sa amin kung sino man ang babaeng iyo?" tanong niya sa hangin. "SIMULA nang maging stay-out maid ako ni sir Leo at wala pa akong nakilalang girlfriend niya, Ma'am Mikaela," sagot sa kanya ni Anna nang tanungin niya ito kung kilala nito ang latest girlfriend niya Leo. "Ilang taon na ho kayong nanilbihan sa kanya?. "Mag-pi-pitong taon na.Naisip ko nga minsan kung anong traumatic experience kaya ang naranasan ni sir Leo at ayaw niya sa Babae.Oo nga't may Pia na lapit nang lapit sa kanya pero alam ko naman na wala siya gusto roon.Umiiwas siya talaga sa mga Babae,Ma'am Mikaela." Hindi na siya nagsalita pa.Lalabas nang pinagtitsismisan nila si Leo kung pahabain niya pa ang usapan. "Ako naman ang may itatanong sa iyo Ma'am Mikaela. Ano ba talaga ang eksangtong kaugnayan ninyo ni sir Leo?Talaga bang malayo ka niyang kamag -anak. " Iyon ba ang sinabi niya sa iyo?" Tumango ito."Bakit? Hindi ba to too na magkamag-anak kayo?" "T-totoo ho,ayon niya sa sinabi niya Leo rito.Tiyak na may dahilan ito kung bakit ayaw sabihin ang totoo na hindi sila kaano-ano.Baka nga naman mag -isip malisya ang ibang tao kaya marahil pinalabas na lamang nito na magkama-anak sila. " Baka may ibang paraan para malaman ko kung ano na talaga ang nangyari sa kuya ko,Leo," wika ni Mikaela rito isang gabing napanaginipan niya ang nangyari sa nakakatandang kapatid."Nagpahiwatig ang panaginip ko kagabi na dapat ko siyang hanapin." Malalim itong nag-iisip. "Manawagan kaya ako sa TV,Leo?" "Kung sa tingin mo at makakapagdulot sa iyo ng peace of mind ang ganyan at susuportahan Kita,Mikaela." May kilala raw itong news anchor sa TV.Ipapa-broadcast raw ito buong pangalan ng kapatid niya."May litrato ka ba niya?" Malungkot siya umiling.Isa iyon sa mga dahilan kung bakit hindi nahanap ng Mother's Ignacia ang kuya Jason niya. "Mahihirapan tayong hanapin siya,Mikaela, lalo pa't mahigit walong taong na magmula nang magkahiwalay kayo,diba?" Gumuhit sa mukha niya ang labis na kalungkutan. "Pero kung buhay pa siya mapanood niya ang panawagan ko ay tiyak at makipagkita siya sa akin," aniyang nabuhayan ng pag- asa. Hindi kumibo si Leo. "Alam mo ba? Wala na akong ibang ipinagdarasal habang naroon ako sa orphanage kundi ang magkita kaming muli ng kuya ko." Nagsimula pumatak ang mga luha niya. "Sana ay hindi ko na lang siya sinunod noon. Sana ay hindi ko na lamang siya iniwan." "Huwag ka nang umiyak,Mikaela.Nsaaan man ang kuya Jason mo ay natitiyak ko na masaya siya dahil nasa mabuti kang kalagayan. Napatitig siya rito.Kung ito ay parang ipinagpalagay na patay na ang kuya Jason niya.Ayaw niya iyong isipin.Masakit tanggapin na hindi na sila magkikitang magkapatid kahit kailan. DALAWANG linggong mawawala si Leo dahil sa business trip into sa ibang bansa. Nalulungkot si Mikaela.doon natutulog si Anna para may kasama siya pero hindi pa rin iyon sapat.Si Leo ang gusto niya makita.Nami-missed niya ito nang husto.. " Ibang-iba si Leo sa lahat ng mayayamang binata na nakilala ko,Ma'am Mikaela. Andami ko na rin naging amo. Sa tinagal- tagal ko na rito sa mundo ay siya lamang ang nakilala Kong gwapo at mayaman na hindi mahilig sa babae.Iyong mga naging amo ko noon ay likot sa babae.Palaisipan pa rin sa akin kung ano ang naging karanasan in Leo at namatay na yata ang loob ng pakatao niya,"wika ni Anna habang namimili sila sa isang twenty four hour grocery. Masarap mamili kapag gabi,malamig ang simoy ng hanging kaya sun-suggest niyang maglakad lamang sila tutal ay wala pa iyong kalahating kilometro buhat sa bahay. "Hindi ba niya nabanggit sa iyo na may babae siyang nakatakdang pakasalan five years from now?" hindi na nakapigil tanong niya. Umiling si Anna."Ni minsan ay hindi kami nagkakausap ni sir Leo tungkol sa babae,Very private siyang tao. Kaya mga siguro ayaw niya ng stay-in maid," Nagulo na naman ang utak niya sa pag-iisip kung kanino committed si Leo.Sino ba talaga ang babaeng iyon at hindi nito maipakilala kahit kanino.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD