BFW 7

1650 Words
(Afiah) Handa na akong sumuko. Handa na akong magparaya. Siguro naman karapat dapat din naman sa akin ang magsimula muli. Ibinigay ko naman halos lahat sa kanya, pinagsisilbihan ko sya sa abot ng aking makakaya. Pero, kinamumuhian nya parin ako kaya ayaw nya akong pakawalan? Plano ko nang makipagdiborsyo kay Seighfred, pero mula ng nakita nya ang draft na ginawa ko, ikinulong na nya ako sa loob ng kanyang penthouse. Pati ang mga bagay na pwede kong gamitin para makipag- communicate sa mga kakilala ko ay ipinagkait nya sa akin. Hindi ko na alam kung ano pang klasing pahirap at pasakit ang hindi pa nya nagagawa sa akin. Pagod na pagod na ako. Pagod na pagod na akong masaktan. Pagod na pagod na akong mahalin sya. Gusto ko ng bumangon mula sa aking pagkalugmok. Gusto kong maging masaya. Kahit mahal ko sya, masaya naman ako nung hindi ko sya asawa, kasi hindi naman ako umaasa na maging kami. Naniniwala kasi ako na hindi lang isang tao ang pwedeng maging dahilan ng kasiyahan natin. If we just look around, there are a lot of things that can make us happy. I am happy without him in my life before kahit lihim ko na syang iniibig noon paman. I have dreams. I have friends. And I am so blessed. And then he came to the picture. And suddenly my life changed. I am now living in hell with him. Sinong nagsasabi na kahit nasa impyerno ka pag kasama mo ang taong mahal na mahal mo, ay para ka narin nasa langit? Bakit sa akin hindi? Bakit sa akin impyerno parin? Na kahit mahal ko si Seighfred, isang demonyo parin ang tingin ko sa kanya? At ang iwanan sya ay isa parin sa pinakagusto kong gawin ngayon. Bakit ba kay katagal nagmulat ng aking mga mata? Kung ito palang sana ang nadarama ko nung una, hindi na sana nya nagawa dungisan ng sobra ang aking pagkatao. Nasa isang sulok ako ngayon, nakatingin sa aking asawa habang nakipagsayaw sa iba't- ibang babae na anak ng mga kasosyo ng kanilang negosyo. It's his mother's birthday at isang magarbong party ang nangyayari. Puro galing sa mararangyang pamilya ang mga bisita. Mukha ako lang yata ang hindi nababagay sa lugar na ito. Iyon ang naramdaman ko, at iyon din ang ipinaramdam sa akin ng ina ni Seighfred at ng aking asawa. I know that his mother didn't like me, kaya nga sa kung kani- kaninong babae nya ipinakilala ang kanyang anak, siguro sa pag- asang mabagok ang ulo ng kanyang panganay na anak at iwanan ako. Kung alam lang nya na sinukuan ko na ang anak nya. Ang anak lang naman nya ang hindi pa nakuntento sa pananakit sa akin. Si Seighfred naman, pinagbawalan akong makipagsalamuha sa mga bisita. Alam ko naman na ikinahiya nya ako kaya nga sekreto lang nya akong asawa. Nasasaktan ba ako ngayon? Nakadama na ako ng paninibugho? Hindi naman maiwasan na makadama ako ng ganun. Mahal ko ang asawa ko. Na kahit galit ako sa kanya, mahal ko parin sya. Hindi ko rin naman mapigilan ang aking sarili na pangarapin na sana ako ang kasayaw nya, na masaya kaming dalawa, na nakatingin sya sa akin habang sobrang pagningning ang kanyang mga mata. Pero iniwaglit ko na ang pangarap na yon, kasi hindi naman yon mangyayari at tapos na akong umasa. Natagpuan ko ang aking sarili na humakbang palabas sa venue. Kailangan kong lumanghap ng preskong hangin kasi naninikip ang aking dibdib. Tumayo ako malapit sa swimming pool, walang katao- tao dito kaya malaya kong pinakawalan ang kanina pang nagbabanta kong luha. Bakit ba napakalupit ni Seighfred sa akin? Hindi ko sya pinikot, ayaw kong magpakasal, ayaw narin sanang mamilit ni papa pero sya ang kusang nagsabi kay papa na papakasalan ako pero sekreto at sa ibang bansa. Hindi ko maintindihan ang rason nya pero ngayon malinaw na sa akin, gusto nya akong pagsawaan. Hindi sya nakukuntento sa one night stand namin. Hindi mo ako hihiwalayan, Afiah. You will stay with me. Akin ka ngayon! Akin lang. Akin kalang habang buhay. Bumabalik sa isip ko ang huling sinabi sa akin ni Seighfred bago nya ako ikinulong sa kanyang penthouse. Napakawalang hiya nya. Ayaw kong manatili sa kanyang tabi habang buhay. Ayaw kong habang buhay titiisin ang kanyang kalupitan sa akin. Tatakas at tatakas din ako. Pupunta tayo sa birthday ni mommy. Kung pinaplano mo ang tumakas at iwan ako, wag ka ng mag- abala dahil mahahanap kita. Mahahanap kita saan kaman magpunta. Hindi mo ako mapagtataguan. Ang kanyang salita bago kami pumunta dito. Lumanghap ako ng hangin. Kinalma ko ang naninikip kong dibdib. Pinunasan ko ang aking luha. Maya't maya lang, naramdaman ko ang pagtayo ng kung sino sa aking tabi. Napatingin ako dito at si Simon ang nakita ko. Mula ng ikinasal kami ni Seighfred, ngayon ko palang sya nakita. Sa pagkakaalam ko, umalis sya sa mansyon nila at naging aloof narin sya kahit sa kanyang pamilya. Nawala na ang masiyahin at mabait na si Nicollo mula nang may nangyaring aksidente sa kanya at nasunog ang kalahati ng kanyang mukha. Ngayon ang pumalit ay ang aloof, malungkutin na si Simon. We're classmate before at naging magkaibigan rin. Magkaedad kaming dalawa. Pangatlong anak sya, habang si Seighfred naman ay ang panganay, sumunod naman si Saven. Silang tatlo ay isang taon lang ang agwat ng mga edad. Meron pa silang mga kapatid, ang tinatawag na Montreal triplets na sina Sancho, Santinir at Savino. Sikat ang sikat ang tatlo dahil sa maliban mga Montreal sila, sadyang irresistible ang kanilang kaguapuhan. At meron silang bunsong babae na ngayon, kasalukuyan pang hinahanap ng kanilang pamilya. "N-Nico--- Simon." sambit ko. "It's okay, you can still call me Nicollo." Matipid akong ngumiti sa kanya. Hindi sya ngumiti nang tulad sa noon. Pero hindi ko naman naramdaman na inis- snob nya ako. Sadyang hindi na sya marunong ngumiti. Namayani sa aming ang katahimikan, hanggang sa nagsalita sya kalaunan. "Sa tingin mo, if I continue pursuing you before, makikilala ko kaya si Celine at maging ganito din kaya ang mangyari sa akin." Napatingin ako sa kanya. Hindi ko alam kung paano sya sagutin. Niligawan nga nya ako noon nung nasa high school palang kami, pero tumigil din sya agad. Wala naman din sa plano ko na sagutin sya dahil si Seighfred ang gusto ko, at sekreto ko yon. "Do you want to know why I stop courting you?" tanong nya. "You realized that you didn't like me." sagot ko. Ito lang naman ang naisip kong dahilan. Pagak syang tumawa. "Believe me Afiah, I really like you. Patay na patay nga ako sayo ng mga panahon na yon. But when my asshole brother found out that I courting you, nagwala sya. Ayaw nyang ligawan kita. He's a lunatic, you know. My parents is always in favour of him, kaya ang gusto nya ang nasunod. They forbid me to continue courting you." Napaawang ang labi ko sa sinabi ni Nicollo pero sandali lang dahil naisip ko na ang pwedeng dahilan. "I get it Nicollo, talagang ayaw na sa akin ni Seighfred kahit noon pa. Ayaw nya sa mga mahirap na tulad ko, kaya nga kay dali lang nyang apakan ang aking pagkatao." Gusto na naman tumulo ang aking mga luha, pero pinigilan ko lang. "Nasa dugo namin ang mga Montreal ang pagiging possessive at territorial Afiah. I hate my brother kaya hindi ko sya ipagtanggol sayo. But I want you to know that he's obsess with you ever since. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa pagsasama ninyo, but if you want to leave him, sabihin mo lang dahil itatakas kita." "Nicollo, sala-----" "And do you think you can take away my wife from me." natigil ako sa pagsasalita nang narinig ang boses ni Seighfred. Nanlilisik sa galit ang kanyang mga mata habang humakbang sya palapit sa amin ni Nicollo. Marahas nya akong hinila palayo kay Nicollo. "Don't hurt your wife, asshole!" galit na sabi ni Nicollo dito. "Mind your own f*****g business, don't interfere mine." hinarap ni Seighfred ang kapatid. "Do you think your wife will still continuing loving you if ganyan ka. Why don't you ask Afiah if she still want to stay with you." mapanuyam na sabi ni Nicollo. "Asshole--" kinuwelyuhan ni Seighfred ang kapatid. "You don't know anything. At wala kang pakialam kahit anong gawin ko sa kanya, dahil sa asawa ko sya. She's f*****g mine." "Please Seigh, bitawan mo si Nicollo." pigil ko kay Seighfred. Pag tuluyan silang mag- away, mas lalong magagalit sa akin ang mommy nila. "Wag kang makialam dito." bulyaw ni Seighfred sa akin. Inalis ni Nicollo ang kamay ni Seighfred na nakahawak sa kanyang kwelyuhan. Magkasing tangkad at magkasing laki ang dalawa kaya madali lang nagawa ni Nicollo ito. "Yours?" ngumisi si Nicollo. "Bakit hindi natin tanungin ang asawa mo na kung gusto ba nyang manatiling sayo habang buhay." "Seighfred, Nicollo, please wag naman kayong mag- away." pagmamakaawa ko sa dalawa, sabay harang ng aking sarili sa gitna nila. "Bweset!" galit na sambit ni Seighfred, hinila nya ako uli, sabay kaladkad sa akin. Walang akong nagawa kundi ang sumama sa kanya. Lumingon ako kay Nicollo. "I'm just a call away Afiah, just tell me at ilalayo kita." pahabol ni Nicollo sa akin. Dinala ako ni Seighfred sa isang kwarto. Nang nakapasok na kami, agad nya akong itinulak sa kama kaya napahiga ako. "A- Anong gagawin mo sa akin?" agad na gumapang sa akin ang takot. He will going to rape me again, na tulad ng lagi nyang ginagawa. Alam ko na ito na naman ang gagawin nya sa akin. Umusad ako paitaas sa kama nang nakita ko na mabilis nyang hinubad ang suot nyang polo. "Nakipaglandian kapa talaga sa kapatid ko. Hindi mo pa rin nakuha. No man can have you except me. Akin kalang!" aniya. "No please, ayaw ko na. Ayaw ko na Seighfred." umiiyak kong sambit, sabay pagmamakaawa ko sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD