BFW 1- Introduction

1456 Words
(Third Person POV) Seighfred Montreal, the oldest son of Samuel and Sheila Montreal. Both a business magnate and came from a rich family. He is now the CEO of Montreal Corporation. Magazine called him a cold manipulative CEO. In the kind of world he's into, he finally perfect the art of manipulation and emotionless. Being the oldest child and the CEO of their corporation, he is now the wall of the strong structure that keeping their business on top. At 30, he is one of the sought after bachelor in town. With the looks that could die for, women wooing him. Only few knows, that 6 years ago, he dumped his wife. - - Kasalukuyang nasa conference room ang buong pamilyang Montreal na nasa loob lamang ng Montreal mansyon o tinatawag ng iba na Montreal white house. A tree storey white mansion, that consist of 20 rooms, 5 guest room, 3 servants quarter, two living rooms, 1 big dining room and a dirty kitchen. Big conference room, study room and a library. Entertainment room, kung saan nandun ang isang napakalaking television screen, na parang nanonod ka lang ng sine, at kumpleto sa mga entertainment appliances. Meron din napakalaking swimming pool at magandang hardin, ang kinatitirikan ng mansyon. May landing area ng chopper ang rooftop ng mansyon. Montreal is a multi- billionaire after all. They are on top of real- estate business, land and property development business, construction and architectural firm. They owned chopper planes, speedboats, ships and yacths. They also have their own island. Pero, bakit nga ba sila nasa conference room ng pamilya? Pinatawag kasi sila ng mga magulang nila. Alam nyang may mahalaga silang usapin ngayon na pampamilya. Ito ang rason pag ang mga magulang nila ang kusang nagpatawag sa kanila. Hindi na kasi sa mansyon nakatira silang magkakapatid. Nagkanya- kanya na sila, at miminsan nalang sila umuuwi sa mansyon ng pamilya. Kumpleto na silang anim na magkakapatid na lalaki, at nagkanya- kanya na sila ng upo. Hinihintay nalang nila ang mga magulang. - (Seighfred) Dumating na ang mga magulang namin kasama ang isang private investigator. "What is this all about mom and dad? At kailangan ko pang isakripisyo ang date ko." Ani ni Sintinir, ang bunso sa triplets kong kapatid. "Hindi ko alam Bro na kawalan na sayo ngayon ang hindi makapunta sa date mo." Natatawang sabi ni Savino, pangalawa sa triplets. " Baka naman natamaan na 'yan ng sakit. Sakit na dala ni kopido." Ani ni Sancho, panganay sa triplets. Nakarecline itong nakaupo. At pangiti- ngiti ito. "You shut up, moron!" Inis na bulyaw ni Santinir sa dalawa. Tumawa lang ang dalawa. "Boys----" putol ng mommy namin na si Mrs. Sheila Montreal, sa asaran ng triplets. "---pinatawag ko kayong lahat, dahil may mahalaga kaming sasabihin ng daddy nyo sa inyo." Nakasandal ako sa inuupuan ko, habang hinihintay ang sasabihin ng mga magulang namin. Tahimik akong tao. Mahal ang bawat salita ko. Katabi ko ang katapid ko na si Simon, same as usual, busy na naman sya sa kanyang laptop at wala syang pakialam sa paligid. Alam kong may pinagdadaanan ang kapatid ko na 'to, kaya nakatago sya ngayon sa ibang katauhan. Ginagamit nya ngayon ang second name nyang Nicollo. Bumalik narin sa dati ang kanyang mukha. Mabuti nalang at naisipan na nyang magpa- opera para mabalik ang kanyang dating guapong pagmumukha. "What is it mom?" Balik tanong ni Savin. Ito ang sumunod sa akin. Isa syang doctor. " We finally found, Safara." Masayang bulalas ng ina namin. Basang- basa ko ang kasiyahan sa mga mata nya. Gumaan din ang pakiramdam namin magkakapatid sa narinig, at bumakas ang kasiyahan namin anim. Matagal narin namin hinahanap ang nawawalang bunso at tanging kapatid na babae. I was just 13 years old when my family lost Safarra, who is just one year old at that time. Our mother almost died in depression because of that. And after 17 years of searching, God finally answered our prayer. "Not until, we get the DNA result of the two girls." Ani ng daddy namin " Sigurado ako na isa sa dalawang babae si Safarra. Naramdaman iyon ng puso ko, Samuel." " Anong ibig nyong sabihin, dad?" I wrinkled my forehead. I can't wait anymore, I am curious. Ayaw ko pa naman mapalis ang kasiyahan nadarama ko ngayon. "Harold will explain." Ani ng daddy namin. Tinapik nya ang balikat ni Harold, bago sya umupo katabi ni mommy. Harold is a handsome self- rich private investigator. He is skilled of his work. Sa tingin ko, kaedad ko lang sya. May ibinigay na isang folder si Harold sa bawat isa. Agad kong binuklat ito. And there, tumambad sa paningin ko ang close up picture ng dalawang magandang babae, na hawig sa isa't- isa. Mestisa lang ang isa, at medyo light brown ang isa. Meron din mga ibang documento. " They are Amari and Saskia Monica Santos. They practically grown together as fraternal twins." Simula ni Harold. Mukha ngang fraternal twins ang dalawa. "Safarra don't have a twin sister." Ani ni Savino. Kunot- noo sya. "I know." Ani ni Harold, took a deep breath, saka sya nagsalita uli. "Ayon sa source ko, isang ampon ng mag-asawang Santos ang isa sa kambal. Nakita daw nila ito sa isang kalsada, na malapit sa pinangyarihan ng isang aksidente. I guess, that said accident is same sa aksidenteng nangyari 17 years ago, kung saan nabangga at nasunog ang kotse sinasakyan ninyong mag-asawa." Ang tinutukoy nya ay ang mga magulang ko. "Walang nakakaalam kung sino sa dalawa ang ampon, patay narin ang mag- asawa, kaya hindi natin matanong ang mga ito. Ang tanging solusyon nalang ay ang DNA test." "Then, what are we waiting for. Lets make a test. With money, mapadali natin ang prosesso." Ani ni Simon. Nakuha narin ang interest nya. I remember before, Simon loved our sister very much. Actually, kaming lahat. Todo iyak kami noon nang nalaman namin nawawala ang little princess namin. "I have a friend who can make the test and can fast the result." Ani naman ni Saven. "Kailangan pa natin kausapin sina Amari at Saskia. Hopefully, papayag sila." Ani ni Harold, saka napabugtong- hininga sya." Nung huli ko silang kinausap, they decline. Ayaw nilang tanggapin pareho na hindi sila tunay na magkakambal. Sa tingin ko, kung kayo mismong kapamilya ang kakausap sa kanila, baka makumbinsi ninyo sila." Nagkatinginan ang bawat isa, saka sumang-ayon sa sinabi ni Harold. "I guess Amari is our little Safarra. I can't see Saskia as my little sister." Seryosong sabi ni Savino. "I guess so... She is misteza just like mom. And between the two, mas kamukha sya ni mommy." Sang-ayon naman ni Sancho. " I can see Sandy in Amari's face." Ani naman ni Saven. Si Sandy ay ang anak nya na kamukha nya. Si Saven kasi at si Safarra ang sobrang magkamukha, dahil kamukha ang mga ito sa aming ina. Hindi man ako nagbigay ng komento, pero mas naramdaman ko ang brotherly instinct kay Amari kaysa kay Saskia. Sana, isa na nga sa mga ito, ang nawawalang prinsessa ng mga Montreal. Pagkatapos nang usapan pampamilya sa conference room kanina, agad akong dumiretso sa bar ng mansyon at uminom ng alak. Masaya naman ako at may lead na kami kung nasaan ang nawawala kong kapatid. Pero, nanlumo ako ng wala parin balita si Harold sa akin tungkol sa pinapahanap ko sa kanya. Actually, hindi lang naman si Harold ang binayaran kong PI, meron pang ibang tatlo, at lahat sila ay bigo. It's been six years. **** **** (Sa kabilang banda....) Afiah suddenly opened her eyes as she heard the PA's announcement that the plane they are boarding is about to land. Napatingin sya sa may bintana. Nandito na naman sya uli. Bumalik na sya sa bansang sinilangan nya. She never thought that she will be coming back in this place. Masaya na sana syang naninirahan doon sa Dubai kasama ang-----. (Napatingin sya sa dalawang batang lalaki na nakaupo sa tabi nya. )-- masaya na sana syang naninirahan sa Dubai kasama ang kambal nyang anak na puro lalaki, limang taon na ang mga ito. Ibinalik nya ang kanyang paningin sa may bintana. Life is not easy back then. She left broken. Hindi madali ang pinagdaanan nya para tuluyan lang maghilom ang sugat na nilikha ng nakaraan. The years may heal all wounds but the scar still remained. At sisiguraduhin nya na sa pagbabalik nyang ito, hindi na maging presko uli ang piklat na nasa kanyang puso. She's back for good, at ibang- iba na sya sa dating Afiah. She change everything about her, pati na ang kanyang puso. Looking at the window, hindi nya mapigilan ang sarili na maalala ang ilang bahagi ng nakaraan. Ang nakaraan na naging dahilan kung bakit umalis syang wasak at luhaan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD