BFW 4

1553 Words
(Afiah) Nasa isang coffee shop kami ngayon ng kaibigan kong si Claudia. Medyo nababagot na ako sa loob ng penthouse kaya napagpasyahan ko ang makipagkita sa kanya. Malapit ko syang kaibigan, kasalukuyan syang nag- aaral ngayon sa medical school para maging ganap syang Obgyne. Mabuti nalang at vacant time nya ngayon. "Namumugtong ang mga mata mo ngayon. May problema ba?" kunot- noo na tanong nya sa akin. "H- Ha!" natigil ako sa akmang pag- inom ko sa cappuccino na inorder ko. Ibinalik ko ang tasa sa lagayan nito. "At parang wala ka din sa sarili. There is something wrong with you. Parang may kulang sa ganda mo ngayon. Your eyes are not as lively as before. Magtapat ka nga sa akin, may problema ba kayo ng asawa mo?" sunod- sunod nyang sambit. "Wala---"napailing ako. "Mabait si Seighfred sa akin." pagsisinunggaling ko. Hangga't maaari, ayaw kong may makakaalam sa tunay na kalagayan ko sa piling ni Seighfred. Pag malaman ng mga malalapit kong kaibigan ang totoo, alam kong gagawa sila ng paraan para mailayo ako sa asawa ko. Ayaw kong malayo kay Seigfred. Matagal na syang itinatangi ng aking puso, at ayaw kong sayangin ang pagkakataon ito. Alam kong mahirap pero tuturuan ko ang asawa ko na mahalin ako. Kaya kong tiisin lahat at sisiguraduhin ko sa bandang huli, mamahalin din ako ng asawa ko. Mas mamahalin din nya ako na mas higit pa sa pagmamahal nya kay Lauren. Tumitig si Claudia sa akin. Para bang hinuhuli nya ang katotohanan sa aking mga mata. "Ano ba?" pinilit kong tumawa, para maitago ko ang totoo. "Nagsasabi ako ng totoo." "Okay! Hindi ka naman siguro ginawang alila ng asawa mo. Mukhang mabait naman si Seighfred." ngumiti si Claudia. Napangiti din ako. Mabait naman talaga si Seighfred. Galit lang talaga sya sa akin dahil akala nya pinikot ko sya. "Anyway, alam na ba ni Lauren na ikinasal na kayo ng ex nya?" Naumid ang dila ko sa tanong ni Claudia. Sa pagkakaalam ko, ayaw ni Seighfred na malaman ni Lauren ang tungkol sa amin. Mahal nya si Lauren, kaya ayaw nyang magtampo at magalit sa kanya ang kasintahan, na ngayon matatawag na kabit ng aking asawa. Lihim akong napatikhim para alisin ang bumara sa aking lalamunan. "Si Seighfred na daw ang bahalang magpaliwanag kay Lauren sa personal."tanging nasabi ko. "Okay. Siguraduhin lang nya. Ayaw kong madehado ka. Baka pinagsabay na nya kayong dalawa ni Lauren." Gusto kong maiyak sa kanyang sinabi. Tama naman kasi sya sa kanyang sinabi. Mabuti nalang at napigilan ko pa ang aking luha. Hindi na naman ako mapakali. Natatakot ako na baka malaman ni Claudia ang totoo. "Relaks, joke lang ang huli kong sinabi." natatawa nyang sabi. "Anyway, how about Alfred. Did he already know about your marriage with Seighfred Montreal? Nasabi mo na ba?" Oo nga pala. Hindi ko pa pala nasabi hanggang ngayon kay Alfred ang totoo. Si Alfred ay dati kong manliligaw na naging close friend ko. Bagama't binasted ko na sya, pero hindi ko parin tuluyan isinara ang posibilidad na pwede pang maging kaming dalawa. At hanggang ngayon, lagi parin syang nagpaparamdam sa tunay na hangarin nya sa akin. "Hindi ko pa nasabi sa kanya." Totoo ito, at iwan ko kung bakit hindi ko masabi kay Alfred ang tunay na status ko ngayon. "You should tell him, para hindi na aasa 'yong tao. So that he can move on and find another woman can love him in return." seryosong pagkakasabi ni Claudia. May punto naman sya. Kailangan ko na sigurong sabihin kay Alfred ang totoo, para hindi narin sya aasa sa akin. He doesn't deserve to have me anymore. Napakabait nya para mauwi lang sa akin. "Sasabihin ko na sa kanya, sa susunod na magka- usap kaming dalawa." Dalawang taon nang nasa New York si Alfred dahil sa negosyo ng kanyang pamilya doon. Doon kasi sya nag- train sa pagiging CEO. Hindi na nagkumento si Claudia, may dumating naman kasi. "Sorry girls, I'm late." bati sa amin ng kaibigan namin si Gio. "Lagi ka nalang late, bakla. Ang laki naman ng suot mong relo." si Claudia. Bakla talaga ang tawag nya kay Gio. Pero hindi naman bakla si Gio sa paningin ng iba, sa kanya lang. Guapo si Gio, matangkad at lalaking- lalaki pumorma. Well, medyo maarte nga sya, kumpara sa ibang lalaki. Pero hindi naman siguro bakla itong si Gio o Giovanne. "Hindi ako marunong tumingin ng oras, pasensya." sagot ni Gio, pinabakla pa ang boses. Never talaga syang nagagalit kay Claudia pag tinatawag syang bakla nito. "Ang pagpadilig lang kasi ang nasa isip mo." si Claudia. "Diligan kita dyan. Tignan natin kung hindi titirik 'yang mga mata mo." "Bakit? Malaki ba yan sayo? Baka kasing liit lang yan sa t**i ng sanggol." Hindi ko mapigilan ang mahinang napatawa sa kanilang dalawa. Nakaka goodvibes talaga silang dalawa. Childhood bestfriend silang dalawa, kaya sobrang kilala na nila ang isa't- isa. Pagkatapos ng asaran nina Gio and Claudia sa isa't- isa. Agad na umorder si Gio. We talked random topics while having our snack. Hindi din kami masyadong nagtagal dahil may klasi pa si Claudia. Nagpresenta na si Gio na ihatid ako sa building kung saan nasa tuktok ang penthouse ni Seighfred. Isang napaka- luxurious na penthouse meron ang aking asawa. Kapapasok ko palang sa pinto nang galit na mga mata ni Seighfred ang sumalubong sa akin. "Saan ka galing?" tanong ni Seighfred sa akin. Galit na galit syang nakatingin sa akin. Agad na gumapang ang takot sa akin. Sobra din akong kinakabahan. "N- Nagkita lang kami ng mga kaibigan ko." nauutal kong sagot. "Kaibigan o kabit mo?" Napaurong ako sa tanong nya. Sinong kabit ang tinutukoy nya? Si Gio ba? Nakita kaya nya na inihatid ako ni Gio? "W- Wala akong kabit!" napailing ako. " K- Kaibigan ko lang si Gio." Marahas nyang hinawakan ang aking panga, at pinilit nyang iangat ito. Nasaktan ako sa kanyang ginawa. Pero, hindi ako sa sakit nakapokus ngayon, kundi nasa mga mata nya. Nanlilisik kasi iyon. "I'm not talking about Gio. I know he is just a friend. Kilala mo kung sino ang tinutukoy ko. Siguraduhin mo lang na hindi mo ako niloloko, dahil oras na malaman ko na may ibang lalaki ka pagkatapos mo akong pikutin, talaga hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sayo. Nagkaintindihan ba tayo, Afiah?" mariin nyang sabi. Galit na galit ang kanyang boses. "Nasasaktan ako, Seighfred!" hindi ko napigilan sambit. "Nagkaintindihan ba tayo?" "O- Oo." Sumagot nalang ako para bitawan na nya ako. Marahas nya akong binitawan. Muntikan na akong masubsob sa dingding, kung hindi pa ako nakapagbalance agad. "Wala akong kabit. Ikaw ang may kabit sa ating dalawa." nasambit ko dahil sa sama ng loob ko sa kanya. Muntikan nya akong nasampal, pero pinigilan nya ang kanyang sarili. Hinigpitan nya ang kanyang labi na parang pinigilan nya ang kanyang galit. "Lauren is not my mistress, she's the woman that I love." Parang paulit- ulit na sinasaksak ang aking puso sa narinig. Napatulo ang luha ko hindi dahil sa physical na pananakit nya sa akin, kundi dahil sa sinabi nya. Sana sinampal nalang nya ako kaysa marinig ang mga katagan na 'yon. Walang kahit anong emosyon ang kanyang mukha habang nakatingin sya sa aking luha. Agad din nya akong tinalikuran, at humakbang sya papasok sa kanyang kwarto. Pabalibad pa nyang isinara ang pinto. Muntikan na akong napasigaw sa takot sa ginawa nya. Nang nahimasmasan na ako, agad akong pumasok sa aking kwarto. Naupo ako sa gilid ng aking kama at nakatingin ako sa kawalan. Sino ang tinutukoy nyang kabit ko? Maliban kay Gio, wala naman akong ibang lalaki na sinamahan. Si Gio at Alfred lang ang close kong lalaki, pero nasa ibang bansa si Alfred. Hindi naman siguro nya pagdudahan 'yon. Narinig ko ang pagtunog ng aking cellphone. May tawag ako. Napangiti ako na pangalan ni Alfred ang nakita kong caller. Agad ko itong sinagot. Sobra kong namiss ang aking kaibigan, kaya magiliw akong nakipagkumustahan sa kanya. Marami kaming napag- usapan ni Alfred, kaya tumagal din ng ilang minuto ang usapan namin. Nang natapos na ang tawag, saka ko lang naisip na nakalimutan ko na naman na sabihin kay Alfred ang katotohanan na may asawa na ako. Siguro, sa susunod nalang na pag- uusap naming dalawa. Inayos ko muna ang aking sarili, bago ko napagpasyahan na lumabas na ng kwarto para magluto ng hapunan namin ni Seighfred. Pero pagbukas ko sa aking kwarto, agad kong naramdaman ang sobrang takot, dahil nanlilisik agad na mga mata ni Seighfred ang sumalubong sa aking paningin. "Are you done talking with that man?" pasigaw na tanong nya sa akin. Nababakas ang sobrang galit sa kanyang boses. Umigting ng sobra ang kanyang panga. "S- Si Alfred ba, kaibi-----" Bago ko pa matapos ang aking sasabihin, dumapo na agad ang kanyang palad sa aking mukha. Halos tumabingi ang aking mukha sa kanyang ginawa. Napatulo ang luha ko dahil sa sobrang sakit. "Don't you dare cheating on me, Afiah. I swear to you, I will f*****g kill you and that f*****g asshole too." banta nya. Nanginig ako sa sobrang takot. Nanghina ang aking tuhod at para na akong matumba. Napahawak ako sa dingding para hindi ako tuluyan matumba. Ipiniid nya ako sa dingding. Marahas nyang inangat ang aking mukha. "You are mine, Afiah! At papatayin ko kahit sinong mangahas na agawin ka mula sa akin."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD