Ngayon na ang araw ng aming pag-alis ng Pinas. Mula paggising kaninang umaga ay malungkot na din si Ardent. Karga niya ang kambal at kanina pa niya pinupupog ng halik. Precia was sitting beside them, uttering some sweet words to comfort him. "Don't worry, Daddy. Mabilis lang po ang oras. Bilisan mo pong mag-work para mabilis pong lumipas ang oras and then you can take a vacation." "Yes," matamlay na sagot ng kaniyang ama. Hinalikan din niya sa ulo ang aming anak. "I love you, baby. Be a good girl, okay?" "Yes, Daddy. Mag-school din po ako. Hmm, since I'll be living in America, magiging American na din ako, Daddy?" Ardent laughed. Hinaplos niya ang buhok ng aming panganay na anak. "I'm gonna miss my pretty and smart baby girl." "I will miss you too, Daddy. Davon and Darrion will m

