"Daddy, I'm happy if I'm with them." Wala din namang nagawa si Ardent dahil naging regular na ang pagpunta ni Precia every Wednesday sa mga dela Vega, para sa sit in class. Three hours lang iyong klase at parang salingpusa lang siya doon. Pagkatapos ng klase ay nakikisali pa din siya sa ibang activities ng mga lalake. Masaya ang aming anak kaya nakasuporta lang kami ng kaniyang Daddy. Unti-unti na din namang natatanggap ni Ardent ang mga nangyayari. Nakikita naman niya na walang malisya iyong pagkagusto o pagkawili ng anak namin sa mga dela Vega. Gusto niyang kasama ang mga ito, dahil kagaya niya ang mga ito. "Ma'am, dumating na po ang mga bisita niyo." "Really? Kasama po ba sina Samuel?!" excited na tanong ni Precia sa aming kasambahay. "Hindi ko po kilala si Samuel, e. Pero may

