Ginabi na ng sina Justin dahil hinayaan nila ang anak na makipaglaro kina Germaine at Precia. Kahit na bigo ang anak namin kanina dahil hindi nagpunta ang mga dela Vega boys, nalibang naman siya sa paglalaro kasama ang dalawang kaibigan. Kahit si Mirielle ay halos ayaw ng umuwi. "We need to go home na, Anak." Nahirapan pa silang kumbinsihin ito kanina. "Can I come back here tomorrow?" Nagkatinginan ang mag-asawa. Natatawa na lang sila. Natuwa siya sa isang room na nagmistulan ng bodega. Iyong room kung saan nakatambak iyong ibang mga gamit ni Precia. Mostly sa mga ito ay toys at mga damit na hindi pa nabubuksan. Nalibang silang mag-unboxing, maglaro at magsukat ng mga damit. May inuwi si Mirielle na ilang pares ng damit. Binigay daw ni Precia sa kaniya dahil mas bagay daw ito s

