Chapter 7 : Nag-aalala
Summer POV
"Hija, sure ka na bang papasok ka na? Kaya mo na ba? Naku malalagot ako nito sa daddy mo eh," natatarantang sabi ni Nanay Fely. Si Nanay Fely ang nag-alaga sa akin simula ng mawala ang mommy ko.
"Sure na sure po ako Nanay Fely," nakangiti kong sagot sa kanya. "Huwag na rin po kayo mag-alala sa akin at kay daddy, ako na po ang bahala."
"Ikaw ang bahala tapos ako ang kawawa," natatawa at naiiling na sabi nito sa akin saka niya ipinagpatuloy ang pagsusuklay sa buhok ko.
"Kapag inaway ka pa ng babaeng iyon sabihan mo agad ako ha. Alam mo anak kailangan paminsan minsan lumaban ka rin. Hindi naman masama iyon lalo na kung lagi ka na lang nila inaapi," napangiti naman ako sa sinabi ni Nany Fely.
Hindi na siya nakapag-asawa pa dahil sa kakaalaga sa akin. Ako na ang itinuring niyang anak at ganun rin ako sa kanya tunay na nanay ang turing ko sa kanya. Maaga kasing kinuha sa amin ang mommy. Sa totoo nga lang ay sa picture ko lang ito nakita. Kahit na ganun ay hindi nagkulang sa akin sina daddy at nanay Felly. Idagdag pa ang pagmamahal sa akin ni Grandpa kahit na sobrang strict niya. Maswerte pa rin ako dahil punong puno pa rin ako ng pagmamahal.
"Iiwas na lang po ako Nanay Fely. Saka ayoko rin po kasi ng gulo. Suge po, salamat po papasok na po ako sa school," sabi ko at ikiniss ko si Nanay Fely sa pingi na lagi kong ginagawa kapag aalis at makakauwi ako galing ng school. Niyakap naman ako ni Nanay Fely at hinaplos ang aking buhok.
"Ang bait-bait talaga ng anak ko. Hindi ko alam kung ano ba ang problema nila bakit inaaway ka nila. Osiya, ingat ka ha," sabi pa ni Nanay Fely at hinalikan niya ako sa noo ko.
Habang nasa kotse ay isinuot ko na ang malaki at makapal kong salamin. Hindi ko alam pero sa tuwing sinusuot ko ito ay nagiging kumportable ako na humarap sa iba. Sinadya ko rin talaga na hindi mag-ayos lagi lang nakalugay ang mahaba kong buhok at hinahayaan ko lang na magulo ng hangin ang buhok ko. Mabuti nga sa loob ng apat na taong pag-aaral ko dito ay walang nakaalam na isa akong modelo. Paano nila malalaman mas naka-focus sila sa pangbubuly nila sa akin.
"Salamat po," nakangiti kong sabi kay Tatay Fernand, siya ang driver ko noon pa. Tatay ang tawag ko sa kanya dahil iyon ang nakasanayan ko. Dati siyang nagtratrabaho kay Grandpa sa Japan pero si Grandpa ang nagdesisyon na ilipat siya dito sa Pilipinas para makasama namin dahil pinagkakatiwalaan ni Grandpa si Tatay Fernand.
"Mag-iingat ka Summer," paalala nito sa akin at nagmano naman ako sa kanya.
Nakasanayan ko na huwag magpahatid sa mismong gate ng school. Naniniwala kasi ang mga tao sa school na isa akong mahirap kahit na hindi ako ang nagsabi. Si Reena lang rin ang nagpakalat nun kaya pinanindigan ko na lang rin. Maigi na rin iyon dahil nalalaman ko kung sino ang mga totoo sa paligid ko.
Nagsimula na ako maglakad papunta sa school. Hindi naman ganun kalayo ang binababaan ko kaya hindi naman ako malalate. Noong isang araw lang talaga ako nalate. Nasa harap na ako ng gate school namin nang may humawak sa may braso ko. Paglingon ko ay si Himari pala at nakangiti siya sa akin.
"Summer, namiss kita. Buti nakapasok ka na pero teka," lumayo ito ng bahagya at chineck niya ako na tila isang inspector.
"A-anong ginagawa mo?" naiilang na tanong ko sa kanya dahil tinitignan na kami ng karamihan.
"Ayos ka na ba? Wala na bang masakit sa 'yo? Diba dapat bukas ka pa papasok?" sunod-sunod na tanong sa akin ni Himari kaya naman napahagikgik ako dahil ang cute niyang tignan.
"Ok na ako, salamat," nakangiti na sagot ko. "Una na ako baka kasi makita nila na kasama mo ako mas lalo silang magalit."
"Sinong sila? Ah si Reena ba?" lumapit ulit si Himari sa akin at mas lalong humigpit ang pagkakakapit niya sa aking braso. "Suspended sila ng mga alipores niya ng one month. At simula ngayon hindi na kami papayag na ma-bully ka."
Napaawang ang bibig ko sa sinabi ni Himari. Paanong suspended sina Reena eh hindi naman ako nagsumbong?
"Tara sa private room muna namin tayo. At simula ngayon iyon na rin ang magiging tamabayan mo okay?" wala naman akong magawa nang hilahin na ako ni Himari papunta sa private room nila.
Ang mga Special 6 kasi ay may private room at sila ang ang may access doon. Kaya nga madami ang nagnanais na mapabilang sa Special 6 pero marami rin ang naghahangad na mabuwag ang Special 6 at maalisan sila ng ganung treatment dahil unfair daw porket mayayaman sila.
"Upo ka muna Summer. Magtitimpla lang ako ng tea natin," sabi sa akin ni Himari saka niya inasikaso ang paggawa ng tea.
"Totoo ba yung binanggit mo kanina Himari?" tanong ko sa kanya habang pinapanuod ko siya na magtimpla ng tea.
"Alin? Ah, iyong suspended sina Reena at ang mga alipores niya?" nakatingin na tanong sa akin ni Himari kaya naman tumango ako sa kanya.
"Oo, hindi ko na sinabi yung ginawa nila. Ayoko na kasi talaga ng gulo," nakayuko kong sagot pagkatapos ay naramdaman ko na may umupo sa tabi ko. Si Himari iyon.
"Nababagay lang iyon sa kanila Summer. Saka isa pa hindi tama iyong ginawa nila sa 'yo. Mabuti nga at suspended lang ang natanggap nila. Kung ako iyon baka napa-expell ko na sila. Pero nirerespeto ka namin Summer dahil kapag ginawa namin iyon baka magulat at hindi ka pumayag dahil alam naman namin na busilak ang kalooban mo," nakangiti na sabi sa akin ni Himari.
"Ikaw ba yung nagsabi kay dean?" tanong ko sa kanya peri umiling siya kaya naman nagtaka ako.
"Hindi naunahan ako ni Claude eh," sagot ni Himari sa akin habang nakangiti pa rin.
Ha?
Nagkamali ba ako ng pandinig? Si Claude ang may gawa nun?
"Hindi ka makapaniwala no? Maging kami ay hindi namin inaasahan na susugurin ni Claude si Reena. Nagalit si Claude ng malamang hindi naparusahan si Reena dahil sa ginawa mo," kwento sa akin ni Himari.
"B-bakit niya iyon ginawa?" hindi ko alam kung kelan mag-sisink in sa utak ko ang kinuwento ni Himari. Pero bakit niya ba talaga ginawa iyon?
"Bakit?" ngumiti muna ulit si Himari bago niya ako muling sinagot. "Nag-aalala sa 'yo si Claude."
---