Chapter 6 : Nasasaktan
Summer POV
"Please daddy, gusto ko na po lumabas dito," pagmamakaawa ko kay daddy habang nagpapa-cute sa kanya baka sakaling gumana at pumayag na siyang lumabas ako ng hospital.
Hindi ko naman kasi aakalain na uuwi si daddy kagabi mula sa business trip nito. Inapoy ako ng lagnat kagabi at siya pa mismo ang unang nakaalam. Nakita niya rin ang mga galos ko sa katawan kaya tinakot niya ako na sasabihin na niya sa lahat na anak niya at at ilalantad na rin niya na isa akong model. Kaya wala akong magawa kundi ang sabihin sa kanya ang totoo.
"Kailangan mo pa mag-stay dito. Tignan mo nga ang mga pasa mo. Ipatanggal na kasi natin yung Reena na iyon sa school," napailing ako sa sinabi ni daddy.
"No daddy, please. Diba gusto niyo po na magkaroon ako nf friends? Paano po ako magkakaroon ng friends kung malalaman nila na may ipinatanggal po ako sa school?" daddy please naman gusto ko po ng tahimik na pag-aaral sa last year ko sa highschool.
"Paano ako mapapanatag na hindi ka nila sasaktan ulit anak?" ramdam ko na hinalikan ni daddy ang buhok ko.
Naiintindihan ko naman si daddy kung bakit napaka-overprotective niya sa akin. Nag-iisang anak niya lang ako at hindi na siya muli pang nag-asawa ng yumao si mommy. Talaga itinuon niya lang ang sarili niya sa business namin at sa akin. Kaya nga minsan hindi sa bahay namin natutulog si daddy dahil sobrang busy ng schedule niya. Pero kahit ganun ay hindi siya nagkulang sa akin.
"Iiwas na lang po ako daddy, magtiwala po kayo sa akin," nakangiti kong sagot kay daddy.
"Kapag sinaktan ka pa nila ulit ipapatikim ko sa kanila ang bagsik ng isang Furukawa," natatawang sabi ni daddy kaya naman natawa rin ako saka niya ginulo ang buhok ko.
"Huwag niyo na rin po sabihin kay Grandpa, please daddy," pagmamakaawa ko ulit kay daddy na huwag sabihin kay grandpa.
Iba magalit si Grandpa, kung si Daddy ay napapakiusapan ko pa si Grandpa, hindi. Ayaw niyang may nasasaktan isa man sa mga apo niya. Lalo na ako, dahil sabi ni grandpa ay ako raw ang paborito niyang apo. Nag-iisa niya lang kasi akong babaeng apo. Lahat ng mga pinsan ko ay puro lalake. Yung iba ay nasa Japan at yung iba ay nandito sa Pilipinas. Malaki ang pamilya namin dahil maraming anak si Grandpa. Nabubuo lang kami kapag birthday ni Grandpa at sa Japan iyon ginaganap.
"Don't worry anak, hindi ko talaga sasabihin sa Grandpa mo dahil baka mawalan sila ng bahay kapag nalaman niya ang ginawa sa 'yo ng babaeng iyon," seryosong sabi ni daddy dahil alam niya ang kakayahan ni grandpa. "Isa pa baka patigilin ka na niya sa pagiging modelo mo. Hindi ba pangarap mo maging modelo noon pa?"
Napatango at sumangayon naman ako sa sinabi ni daddy. Tutol si grandpa na maging isa akong modelo lalo na nung nabanggit ko na may balak ang manager ko na isabak rin ako sa pagiging artista. Magulo daw ang mundo ng showbiz. Tinakot pa nga manager ko na kapag napahamak ako sa pagmomodelo ko ay pupugutan niya ng ulo ang manager ko.
"Thank you daddy," nakangiti kong sabi at niyakap ko siya. "Pero sige na po gusto ko na po umuwi. Ayoko po talaga sa hospital."
"Haynaku, alam mo kasing hindi kita natitiis eh," sabi sa akin ni daddy at ginulo niya muli ang buhok ko. "Tatanungin ko na lang muna ang doctor kung pwede ka na umuwi."
Napangiti naman ako dahil sa sinabi ni daddy saka may kumatok ang pintuan ng kwarto ko. Maya-maya ay bumukas na iyon at iniluwa ang manager ko.
"Summer, oh my god! Anong nangyari sa mukha mo? Sino ang may gawa sa 'yo nito?" sabi ni manager na natataranta habang nakatingin sa mukha ko na may mga sugat at pasa. Kaya naman hindi niya namalayan na nandito rin sa loob ng kwarto ko si daddy tumikhim si daddy kaya naman napansin na niya.
"Ay, nandito po pala kayo," sabi ni manager at bahagya pa itong yumuko kay daddy.
"Akala ko ba ang sabi mo ay babantayan mo ang anak ko?" nawala ang mga ngiti ko sa labi dahil nakita ko na seryoso ang mukha ni daddy. Napatingin naman ako kay manager at tila natakot naman ito sa boses ng ama ko.
"B-binabantayan ko naman po Sir," hindi na natuloy ni manager ang pagpapaliwanag niya dahil tumawa na agad si daddy kaya naman nakahinga ako ng maluwag. Joke lang pala.
"Biro lang," natatawang sabi ni daddy at lumabas na ito ng kwarto ko para kausapin ang doctor. Kaya naman ay pati si manager ay nakahinga ng maluwag.
"Impakta talaga iyang Reena na iyan! Dapat sa kanya ay turuan ng leksyon!" galit na wika ni manager dahil ikinuwento ko sa kanya ang ginawa sa akin ni Reena.
"Please po huminahon kayo, ayoko na po ng gulo," pagpapakalma ko kay manager.
"Alam mo ikaw sa sobrang kabaitan mo lagi kang naaabuso," pairap na sabi sa akin ni manager. "Oh paano na iyan? May shooting kayong dalawa ni Claude bukas after lunch."
Naalala ko naman si Claude dahil sa sinabi ni manager. Nandoon pala siya sa itaas ng puno at nakita ang ginawa sa akin pero hindi niya ako tinulungan. Sino nga ba ako para tulungan niya? Ano pa ba ang aasahan ko mula sa matigas niyang puso.
"S-Summer okay ka lang ba?" nauutal na tanong sa akin ni manager dahil hindi ko namalayan na tumulo pala ang luha ko. "U-Umiiyak ka."
"Ayos lang po ako," sagot ko at tumalikod ako ng higa saka pinunasan ang mga makukulit kong luha na walang alam kundi ang tumulo na lang mula sa aking mga mata.
"Tungkol po sa shooting bukas pupunta po ako, don't worry po matatakpan ko naman po ng make up ang sugat at pasa ko," sagot ko.
Marunong naman akong mag make up ng sarili ko kaya magagawan ko ng paraan ang mga sugat at pasa ko. Susubukan ko rin na tignan si Claude bukas dahil nasa trabaho naman kami. Kailangan ko lang na kumilos ng professional. Kahit na nasasaktan ako sa hindi niya pagtulong sa akin. Alam ko naman na wala akong karapatan para masaktan dahil sa hindi niya pagtulong. Kasalanan ko naman kasi na umasa ako na may tutulong sa kagaya ko.
"Dapat masanay ka na Summer."
---