Chapter 9 Summer POV Ilang araw akong kinukulit ni Himari para tanggapin na ang alok niya na maging secretary ng student council. Hindi talaga niya ako sinukuan hanggang sa napasubo ako para mapa-oo. Wala namang masama kung susubukan ko diba? "Thank you talaga Summer at pumayag ka," sabi ni Himari sabay yakap sa akin kaya naman napangiti ako. "Welcome sa student council Summer," nakangiting bati sa akin ni Christian kaya naman nagpasalamat ako. Nandito nga pala kami sa private room at ito na rin ang nagsisilbing opisina ng student council. Winelcome na rin ako nina Jay, Akira at Akihiro maliban kay Claude. "Qualified ka ba para maging secretary?" masungit na tanong sa akin ni Claude kaya naman napatigil ang kwentuhan namin nina Akira at Himari. Napatingin naman kami sa kanya habang

