Chapter 10 Summer POV Hindi ko inaasahan ang mga salitang binitawan ni Claude. Ibig sabihin ay totoo ang mga sinabi sa akin ni Himari. Kita ko ang pagkagulat sa mukha ni Reena. "Claude? M-magkasama kayo?" hindi makapaniwalang tanong ni Reena saka naman marahas na binitiwan ni Claude ang kamay niya. Pinuntahan ako ni Claude para tulungan na tumayo. "Sabi na, mang-aagaw ka talaga!" sigaw sa akin ni Reena. Hindi ito nagpapaawat sa guard na umaawat sa kanya. "Walang inagaw sa'yo si Summer at alam mo iyan dahil hindi mo ako pagmamay-ari. Magkasama kami dahil namimili kami ng mga kailangan para sa intrams sa school natin. Pwede ba ayusin mo ang maduming isip mo?" sabi ni Claude at hinila na niya ako paalis sa lugar na iyon. "Umalis na tayo dito Summer." Hindi na namin inintindi ang pagsisi

