Chapter 11 Summer POV "Wala talagang kadala-dala yang si Reena. Ano ba talaga ang gusto niya ha?" naiinis na sabi ni Himari. "Ayos lang naman ako. Saka iiwas na lang ako kapag nakasalubong ko siya agad kapag nakabalik na siya dito sa school," sagot ko sa kanila para hindi na sila mag-alala pa. "Lagi ka na lang iiwas Summer?" hindi ako nakasagot sa sinabi ni Jay kaya naman nananatili lang akong tahimik. "Huwag na lang natin siya intindihin madami pa tayong gagawin para sa intrams next month," sabi ni Claude at ibinalik nanaman ang kanyang suot na salamin saka siya muling humarap sa kanyang laptop. Napabuntong-hininga na lang si Himari saka siya lumapit sa akin at tinignan ang sugat ko sa labi. Saka niya hinaplos ang likuran ko. Ngumiti naman ako sa kanila saka ako nag-thumbs up para s

