Chapter 20

1006 Words

Chapter 20 Summer POV Pagkatapos namin kumain nina Daddy at Grandpa ay nagpaalam na ako na aakyat na ako para makapag-review ng kaunti. Kakabuklat ko pa lang ng notebook at libro nang tumunog ang cellphone ko dahil may tumatawag sa messenger ko. Pagtingin ko ay si Himari at group call iyon. Sinagot ko naman ang tawag pero tinurn-off ko ang camera para hindi nila ako makita kasi nahihiya ako. "Ay bakit naka-turn off ang camera ni Summer?" rinig kong tanong ni Akihiro. "Oo nga Summer," hirit naman ni Christian. "Madaya!" "Sira kasi camera ng phone ko eh," pagdadahilan ko at nananalangin ako na sana maniwala sila. "Tama na yan review na," seryosong sabi naman ni Claude kaya naman napatingin ako sa screen ng cellphone ko at tinignan si Claude. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil doon.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD