Chapter 21 Summer POV Nagising ako na lang ako ay tanghali na pala. Kaya naman dali-dali akong bumangon kasi naalala ko na sinabi kagabi ni Grandpa na ngayon kami aalis para bisitahin ang burol ni Sensei. Pero pagkatayo ko ay nakaramdam ako ng p*******t ng ulo at pagkahilo. "Summer!" mabuti na lang at nasalo ako ni Daddy na tumakbo pa dahil kakapasok niya lang pala sa kwarto ko para i-check niya ako kung gising na ba ako. "Naririnig mo na ako diba?" tanong sa akin ni Daddy kaya naman napatango ako at sinubukan ko na magsalita pero ganun pa din ayaw pa din. Tapos naalala ko na wala na nga pala ang Sensei ko kaya naman mas lalo akong napaiyak. Naramdaman ko na niyakap ako ni Daddy kaya naman habang yakap niya ako ay umiyak lang ako ng umiyak. Habang hinahaplos niya ang buhok ko ay sinab

