IKAKASAL KA NA

3060 Words

Chapter 27 Andrei's Point of View Nanginginig akong paikot-ikot sa labas ng kuwarto ni Kyle sa hospital. Napakahirap sa akin ang huminga. Hindi ko napaghandaan ang lahat. Anak ng pusang gala! Gusto kong magwala, manuntok o mambugbog. Kung lalaki lang si Anne baka atay lang niya ang walang latay. Anong gagawin ko kung hindi na ako matandaan ni Kyle? Napakatagal kong hinintay ang pagkakataong magising siya. Nagtiwala akong tutulungan niya akong ipaglaban ang sa amin kapag nagkamalay na siya. Ang masakit ngayon, mag-isa na lang pala akong lumalaban sa taong ang natatandaan na lang ay ang kabataan namin. Ang naiwan na lang sa kaniya ay ang kamalasang dinala ko sa kaniyang buhay. Nawala ang pagmamahal na umusbong sa kaniya kamakailan lang at ang naiwan ay ang matagal na niyang galit sa akin.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD