Chapter 28 Kyle's Point of View "Anong kalokohan 'to?" pigil ang galit ko nang umupo si Andrei sa table namin ni Anne. "Betsfriend tayo, hindi ba?" nakatingin siya kay Anne habang sinasabi niya iyon. "Masama ba na makipagbonding ako sa bestfriend ko at sa ex niya?" Nakita kong hindi makatitig si Anne kay Andrei. "Ngayon Anne, magkuwentuhan tayo kung ano ba ang talagang nangyari. Ikuwento natin kay Kykle kung ano'ng totoo at kung paano ka na niya noon ibinasura. Gusto kong marinig kung paano ka ba gumawa ng kuwento at kung gaano ka kahusay bumaluktot ng katotohanan." Tumingin ako kay Anne. Hindi ko inaasahan ang reaction niya, namumula siya at pinagpapawisan. Hinihintay ko kasi ang inaasahan kong palaban niyang sagot... kaso wala e. "Hindi mo ba kami talaga titigilan?" mariin ang pagk

