Chapter 26 Kyle's Point of View Pagmulat ko ng aking mga mata mula sa mahabang pagkakaidlip ay naramdaman ko agad sobrang pagkirot ng aking ulo. Wala akong maaninag. Pulos puti lahat at kahit gusto kong kilalanin ang mga nasa paligid ko ay puro mga anino lang nila ang aking nakikita. Nalilito ako at naguguluhan. Wala akong matandaan sa kung ano ang nangyari. Nasaan ako? Bakit ganito ang pakiramdam ko? Ilang sandali lang iyon at muli na naman akong iginupo ng di ko mapigilang antok. May mga naririnig akong ingay sa paligid ngunit hindi malinaw.Muling mahabang kadiliman ang bumalot sa aking mundo. Hanggang sa nang pangalawang pagmulat ko sa aking mga mata, kahit naroon pa ang kirot ay mas nagiging malinaw na ang aking paningin. Hindi ko agad nakilala ang mga taong nasa paligid ko. Ilang

