CHAPTER 18

1400 Words
Pabalik-balik si Nitidus ng paglalakad sa loob ng salamin habang nag-iisip ng maari niyang gawin upang makalabas sa pagkakakulong niya roon. Bigla niyang naalala ang tangan niyang baril at panandaliang tinitigan ito.   Kaagad niya itong itinutok sa repleksyon na nakikita niya sa labas ng salamin bago kinalabit ang gatilyo. Sa kasamaang palad ay bumalik lang ang bala nito sa kaniya. Mabuti na lang at naging alerto siya kung kaya nailagan niya ang direktang pagtama nito ngunit nadaplisan naman siya sa kaniyang kaliwang braso dahil para magkasugat ito.   “Kailangan kong makaalis dito,”sabi niya at muling kinalabit ang gatilyo ng baril ngunit kahit na anong gawin niya ay wala ring nangyayari. Muli lang bumalik ang balang inilabas nito patungo sa kaniyang mukha at nadaplisan naman siya nito sa pisngi.   “Hindi ‘to maaari!” Lumapit siya sa salamin at pinagsusuntok ito. Ramdam ni Nitidus ang unti-unting pagod na bumabalot sa kaniyang katawan dahilan para mapaluhod siya. Pakiramdam niya rin ay unti-unti na siyang nanghihina dulot ng kawalan ng hangin sa loob ng salamin. Para siyang nasa isang malawak na dimensyong walang kahit na sino man ang makalalabas.   Napatingin siya sa labas nang makita ang pumasok dito. Ang kawangis niya, ang umangkin sa pagkatao niya at nagkulong sa kaniya sa loob ng salamin. Lumapit ito sa kaniya at mataman siyang pinagmasdan.   “Nitidus, kamusta ka riyan? Nasisiyahan ka ba ngayon sa pananatili riyan?” Pinagsaklop nito ang mga braso sa harap ng dibdib bago muling nagsalita. “Hindi ba ito ang buhay nan ais mo? Ang tahimik?”   “Pakawalan mo ko rito! Ibalik mo sa akin ang buhay ko!” sigaw niya. Narinig niya naman ang panunumbalik ng boses niya.   “Pakawalan? Hinding-hindi ko gagawin ang nais mo. Hinding-hindi ko hahayaang sirain mo ang buhay ng nakatakdang tagapangalaaga ng kwintas!” Bigla na lang nakaramdam ng paninikip ng dibdib si Nitidus matapos sabihin iyon ng kaniyang kaharap. “Alam ko ang lahat ng nilalaman ng iyong puso. Ikaw ang siyang sisira sa balanse ng lahat.” Napahawak si Nitidus sa kaniyang leeg nang maramdaman na tila may sumasakal sa kaniya. “Hayaan mong bigyan kita ng isang magandang panaginip upang hindi mo na naising mabuhay pa.” Pagkasabi noon ay bigla na lang nagdilim ang kaniyang paningin at unti-unting bumagsak sa malambot na bagay.   “Ang ating munting prinsesa. Kaysarap niyang pagmasdan.” Isang mag-asawa ang ngayon ay kaharap niya. Naramdaman niya ang paghaplos ng ginang sa kaniyang pisngi na pakiwari niya ay kaytagal niyang inasam-asam.   “Sisiguraduhin kong magiging isa siyang mabuting pinuno sa ating angkan.” Hinawakan ng lalake ang kaniyang kamay na siya naming nagbigay sigla sa kaniya.   Biglang may mga kawal na pumasok sa loob ng silid kasabay ng isang matandang lalake na pamilyar sa kaniya.   “Ama!” Kaagad na naramdaman ni Nitidus ang pag-akay sa kaniya ng ginang at sa isang iglap lanag ay bumagsak rin sa sahig. Wala siyang nagawa kung hindi ang umiyak habang pinagmamasdan ang ginang na nalulugo sa sarili nitong dugo. Butas ang noo nito at wala ng buhay.   “Hindi ako makapapayag sa nais ninyo. Hindi ko ibibigay ang aking anak!” at isang malakas na putok ng baril ang umalingawngaw sa buong silid. Bawat iyak niya ay alam niyang katumbas ng libu-libong sakit habang pinagmamasdan ang duguang mag-asawa sa kaniyang harap. Ito ang unang pagkakataong nakita niya ang kaniyang mga magulang. Ang mga ngiti nito kanina lang ay kaagad napalitan ng pait dahil sa masamang pangyayaring iyon na ang kaniyang lolo mismo ang may gawa.   ***   Ilang araw ang lumipas at ramdam niya ang mga karayom na itinutusok sa kaniya ng mga taong nakapaligid sa kaniya.   “Kailangan nating maisalin ang kapangyarihan ng kwintas sa aking apo. Siya ang magliligtas sa ating angkan,” ani Adamas. Nasa proseso na ang lahat kung saan bawat butil ng kwintas ay ibabaon sa kaniyang katawan hanggang sa isang malakas na pagsabog ang narinig ng lahat. Isang kawal ang kaagad na humarap sa matanda at nag-ulat ng mga nangyayari sa labas.   “Si Gaza, nasa labas siya, Master Adamas at—” hindi na naituloy nang kawal ang nais nitong sabihin nang may muling sumabog sa likuran nito kung kaya’t kaagad rin itong binawian ng buhay.   “Hindi to maaari! Ang kwintas. Ang aking apo!” Ngunit kagaya ng inaasahan ng matanda ay wala na roon ang bata kasama ang kwintas.   ***   “Nitidus, tatawagin kitang Nitidus.” Itinabi siya ng lalake sa isa pang sanggol, “at ikaw naman si Acutus. Magmula ngayon ay lalake kayo bilang mga anak ko.”   Binihisan niya ang dalawa gaya ng sa mga ordinaryong tao sa lugar bago tinahak ang lugar ng Harenae.   “Sa takdang panahon, ikaw Acutus ang siyang mangangalaga sa natatanging yaman. Ang yaman na kahit na kailan ay hindi mabibili ng kahit anong halaga sa mundo.” Ngumiti ito bago itinuon ang atensyon sa kaniya, “at ikaw naman Nitidus ang magiging natatanging tao na siyang poprotekta sa iyong landas na tatahakin.”   Nang magmulat siya ng mga mata ay kadiliman lang ang kaniyang tanging nakikita hanggang sa unti-unting nagliwanag ang buong paligid. Nanlalaki ang kaniyang mga mata habang tinitingnan ang kaniyang kawangis sa labas na kausap ang lalakeng pinapangarap niya.   Hindi niya man naririnig ang pinaguusapan ng dalawa ay ramdam niyang may kakaiba sa usapan ng dalawa. Dahan-dahan siyang lumapit sa salamin at unti-unting tumulo ang kaniyang mga luha. Minamahal niya si Acutus at kahit na kailan ay hindi niya iyon maitatanggi ngunit sapat nga ba na mahal niya lang ang isang tao?   Bigla niyang naalala ang panaginip niya, ang iniatas ni Gaza na gampanin niya. Napakuyom ang kaniyang mga kamay sa isiping dinukot siya ni Gaza upang protektahan lang si Acutus. DInukot siya upang ilayo sa kapalaran ng kwintas ngunit sa huli ay siya rin palang mas masakit isipin na gagawin lang siya nitong kasangkapan upang matuloy ang marangyang kapalaran ng mga Sugatzu. Unti-unting nag-iba ang pananaw niya sa lahat lalo nan ang masaksihan niya kung paano magsalubong ang labi ng kawangis niya at ng lalaking pinakamamahal niya. Ni minsan ay hindi sumagi sa isip niyang darating ang lahat sa ganoong punto. Hindi niya lubos maisip na hindi man lang nito makikilala ang ngayo’y kaharap habang pinagsasaluhan ang mainit na halik.   “Nitidus!” Napalingon siya sa kaniyang likuran nang marinig ang tumawag sa kaniyang pangalan. Kaagad na nabaling ang kaniyang atensyon sa lalakeng ngayon ay nasa harap niya.   “Immitis,”   Bigla na lang napuno ng mga tinik ng rosas ang buong lugar na kaagad ring nagtali kay Nitidus. Napasigaw na lang siya sa labis na sakit nang maramdaman ang bawat tinik nito sa bumabaon sa kaniyang balat.   “Sandali lang, Nitidus. Huwag kang gagalaw.” Dahan-dahang lumapit si Immitis sa kaniya at pinutol ang mga sangang may tinik. Ilang sandal pa ay bumabalik na naman ang mga ito.   “Bumabalik lang sila,” sabi ni Nitidus.   “Apage!” Isang makapangyaring wika ang siyang tuluyang tumapos sa mga tinik ng rosas. Unti-unti itong nalanta at nalagas sa sahig. "Anong nangyari sa'yo? Bakit ka narito? Hindi ba nasa Mansyon ka ng iyong lolo?" tanong ni Immitis.   "Si Acutus? Nasaan siya?" kaagad na tanong ni Nitidus.   "Mabuti pa sumama ka sa akin, hanapin natin si Acutus. Bigla kasi kaming nagkahiwalay. May alam akong daan palabas dito sa salamin," sabi ni Immitis.   Kaagad nilang tinunton ang lugar palabas ng salamin at sa hindi inaasahan ay si Pecunia ang tumambad sa kanilang harapan.   "Tingnan mo nga kung sino ang narito? Ang magaling kong kaibigan," sabi nito habang ngumingisi. "Noon 'yon Pecunia, noong mga panahong nabibilog mo pa ang ulo kong gumawa ng masama," wika naman ng huli. "Lady Nitidus, ano pa ang ginagawa mo? Bakit hindi mo simulan ang plano natin sa pamamagitan ng pagkitil ng buhay ng taksil na iyan? Gaya ng napag-usapan," at isang malakas na halakhak naman ang pinakawalan nito. Dahan-dahang iniangat ni Nitidus ang punyal na nakatago sa gilid ng kaniyang hita at kaagad na itinarak ito sa dibdib ni Immitis. "Paano mo ito nagawa? Nitidus..." kasunod nito ay ang pagbagsak ng duguang katawan ni Immitis sa sahig. "Magaling." Pumapalakpak pa si Pecunia habang papalapit sa kinatatayuan ni Nitidus. "Tiyak na matutuwa ang iyong lolo sa iyong ginawa." At sa unang pagkakataon, sumibol sa puso ni Nitidus ang pagnanasang bawiin ang buhay na para sa kaniya. *** "Apage!" - "Be Gone!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD