CHAPTER 19

1181 Words
Habang naglalakad sila Nitidus at Pecunia sa pasilyo ng palasyo ay isang nilalang ang humarang sa kanilang daraanan. Nakasuot ito ng robang itim na nababalutan ng apoy at walang naaaninag na mukha sa ulunang bahagi ng kasuotan nito. "Sino ka? Magpakilala ka!" matapang na tanong ni Pecunia. "Ako ang katapusan at wakas. Ako ang kikitil sa mga buhay ninyo." Parang nanggagaling sa ilalim ng lupa ang tinig nito. Nakakakilabot at nakakatindig balahibo. Hindi maisip ni Nitidus ang dapat na gawin lalo na at alam niyang buhay nila ang maaaring kabayaran ng maling hakbang nila. Kasunod no'n ay ang nagbabagang apoy na lumabas sa mga palad nito. Inihagis ito ng huli sa direksyon ni Pecunia na siyang nailagan naman nito. Naging dahilan ito ng pagkawasak ng pader na tinamaan nito. Halos naabo ang kabuuan ng bato. "Hindi ako rito mamamatay!" Kaagad na pinaputukan ni Pecunia ang nilalang ngunit laking gulat nito nang hindi pa man lumalapat ang mga bala ng kanilang baril ay unti-unti na itong nalusaw hanggang sa liparin ng hangin ang mga abo nito. Dahil sa labis na pangamba ay napaatras si Nitidus nang mga oras na iyon samantalang si Pecunia ay unti-unti na ring nakararamdam ng takot at pagkabalisa dahil sa nasaksihan. "Ikaw, apo ni Adamas. Magwawakas ang kapalaran ng mga Uchida sa iyong mga kamay. Ikaw rin ang kikitil sa lalakeng iyong sinisinta." Napakunot naman ang noo ni Pecunia sa narinig at ganoon din ang kay Nitidus. Isang malaking palaisipan ang tinuran ng nilalang na iyon. Paanong magwawakas ang kapalaran ng Uchida, gayundin isang magandang balita na tutupad nga siya sa utos ni Adamas? Bigla namang naglaho ang nilalang at nananatili lang siyang tahimik. "Nitidus, sa oras na hindi mo magawa ang iyong pangako, iyon na rin ang oras ng iyong katapusan," pananakot pa ni Pecunia at isang malakas na putok ng baril naman ang nagpaluhod dito bago ito tuluyang bumagsak sa sahig. "Paanong?" Nagtatagis ang mga bagang ngunit hirap na magsalita si Pecunia. Doon niya naramdaman ang pagtatraydor. "Utos sa akin ni Lolo na paslangin ka." Bigla namang lumitaw si Immitis mula sa likuran nito. "Buhay ka pa!" "Sadyang pili lang ang dapat na pinapatay sa dapat na binubuhay," sabi ni Immitis. "Lady Nitidus, ano pa ang ginagawa mo? Bakit hindi mo simulan ang plano natin sa pamamagitan ng pagkitil ng buhay ng taksil na iyan? Gaya ng napag-usapan," at isang malakas na halakhak naman ang pinakawalan nito. Dahan-dahang iniangat ni Nitidus ang punyal na nakatago sa gilid ng kaniyang hita at kaagad na itinarak ito sa dibdib ni Immitis. "Paano mo ito nagawa? Nitidus..." kasunod nito ay ang pagbagsak ng duguang katawan ni Immitis sa sahig. "Magaling." Pumapalakpak pa si Pecunia habang papalapit sa kinatatayuan ni Nitidus. "Tiyak na matutuwa ang iyong lolo sa iyong ginawa." "Naiintindihan mo na ba ngayon, Pecunia?" nakangising sabi ni Immitis. "Mga t-traydor!" gigil naman na wika ni Pecunia habang nanghihina dahil sa tama ng baril na natamo mula sa akin. "Kailanman ay hindi ako susunod sa kagustuhan ng iba. Kahit pa sa kagustuhan ng aking kadugo," at muli nitong pinaputukan ng baril sa ulo si Pecunia na siyang kumitil sa buhay nito. Iyon ang unang pagkakataon na kumitil siya ng buhay ng isang nilalang na sa tingin niya ay kahit na kailanman ay hindi niya pagsisisihan. "Tara na Nitidus, hanapin na natin si Acutus. Tiyak na matutuwa iyon kapag nakita ka." Ramdam niya ang tuwa sa boses ni Immitis ngunit tila hindi siya natutuwa sa mga nangyayari. Hindi niya maipaliwanag ngunit nakakaramdam siya ng matinding pagkabagabag at pagkabalisa nang hindi niya malaman kung anung pinagmumulan. Tila napansin naman ni Immitis ang pananahimik niya. "O, may problema ba Nitidus? Patay na si Pecunia. Malaya ka na. Ano pang inaalala mo?" "Wala. Tara na." Kahit may dinaramdam ay pilit niyang iwinaksi sa isip niya ang mga nangyari sa kaniya sa kamay ni Inxs. Halos naikot na nila ang kabuuan ng palasyo ngunit hindi pa rin nila natatagpuan si Acutus. Halos nauubusan na siya ng pag-asa na makikitang muli ang binata. Ngunit sa kabilang banda ng kaniyang puso ay ang natatagong pagnanasa na makita ang kwintas. Kung sa lugar nga na iyon nananahan ang kwintas, hindi na siya makapaghintay na masilayan ito. Isang pintuan ang kanilang binuksan at doon tila bumalik ang araw na kaniyang pinakasusuklaman. Ang araw na kinuha ni Inxs sa kaniya ang lahat. Nakatulala lang siya habang pinagmamasdan ang sarili na tumakbo palayo sa binata hanggang sa tuluyan na siyang makuha nito. Wala siyang nagawa kung hindi ang umiyak. Wala si Acutus upang tulungan siya. Pakiramdam niya ay para siyang naghahabol sa isang lalakeng mas piniling kuhanin ang kwintas kaysa sa iligtas siya. Sa kabilang banda ay walang sawa naman si Immitis sa pag-alog sa kaniyang katawan habang siya naman ay tila walang naririnig.   “Nitidus! Nitidus!” paulit-ulit na pagtawag nito sa pangalan niya ngunit nananatili lang siyang tulala sa kawalan.   Unti-unti siyang napaluhod dahil sa patuloy na pag-agos ng masamang pangitain. Nakikita niya kung paano pinapaslang ni Adamas ang mga walang labang mga alipin at patuloy na bumabalik sa kaniyang balintataw ang pigura ng kaniyang ama at in ana walang awang pinaslang ng kaniyang lolo. Ang sigaw at pag-iyak niya habang sinisimulang pageksperimentuhan ang kaniyang katawan. Ang mga tusok ng karayon na bumabaon sa kaniyang balat hanggang sa araw na kuhanin siya ni Gaza. Mga pangitaing kahit na kalian ay hinding-hindi niya maitatangging nangyari sa kaniya. Akala niya ay wala ng sasakit pa sa pagkawala ni Gaza sa buhay niya na ngayon ay ipinagpapasalamat niya. Pakiramdam niya ay nakalaya siya sa matagal ng pagkaalipin sa kaniya nang ilang taon.   “NITIDUS!” Isang malakas na sampal ang naramdaman niyang tumama sa kaniyang pisngi dahilan para siya ay bumalik sa reyalidad. Ang kwarto ngayon sa kaniyang harapan ay naging isang ordinaryong silid na lang. “Sa wakas,” wika ni Immitis.   “Tara na,” yaya ni Nitidus na siya namang naging pangamba ni Immitis. Alam nitong may kakaiba sa kasama nito ngunit minabuti na lang niyang sarilinin ang lahat. Isang malaking pintuan ang kahuli-hulihang nilang bubuksan. Ramdam ni Nitidus ang bilis ng pintig ng kaniyang puso sa labis na pananabik. Ang pananabik na makita si Acutus at ang kwintas. Ilang hakbang pa bago ang silid na iyon ngunit hindi na mapalagay si Immitis. Sa tuwing susulyapan nito ang dalagang kasama ay hindi nito maintindihan ang kabang nararamdaman. kinikilabutan ito sa kung paano nakangiti ngayon ang dalaga habang binabagtas nila ang daan patungo sa huling pinto. "Nitidus, eto na ang huli. Kailangan nating maghanda. Malamang ay hindi lang si Acutus ang matatagpuan natin dito. Malamang ay nandito rin ang kwintas. Ibig sabihin, nandito rin ang Veneficus na iyon," wika ni Immitis. "Veneficus?" "Isang makapangyarihang nilalang na gumagamit ng mahika. Kaya mag-iingat ka Nitidus." Napuno naman ng pangamba ang puso niya sa tinuran ni Immitis nang maalalang maaaring nasa panganib ngayon ang buhay ng lalakeng kaniyang sinisinta. Tumango na lang siya sa huli. Unti-unti namang itinulak ni Immitis ang pinto at tumambad sa kanilang harapan ang ipinapanalangin ni Nitidus na sana ay hindi niya na lang nasaksihan. "Acutus…"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD