CHAPTER 20

1417 Words
"N-Nitidus?" Napatayo si Acutus nang makita si Nitidus bago lumingon sa babaeng kanina pa niya kasama. Tumayo ang babae habang hawak-hawak ang puting tela na ngayon ay tumatakip sa kaniyang hubad na katawan. "Sino ka?" tanong ng babae kay Nitidus. "Alam mo kung sino ako. Impostor!" sagot ni Nitidus sabay bunot ng kaniyang baril at tinutukan ito. "Acutus, papatayin ako ng impostor na 'yan." Kapagkuwan ay nagtago pa ito sa likod ni Acutus. "Ikaw ang impostor. Sino ka para gayahin ang wangis ko?" tanong ni Nitidus bago ikinasa ang baril na hawak. "Ikaw ang siyang manggagaya. Kanina pa kami magkasama ni Acutus para pagsalitaan ako ng ganyan," depensa naman ng isa pang Nitidus. Sa labis na pagkakapareho ng itsura ng dalawa, maging si Immitis ay naguluhan na rin at dumistansiya sa kasama niya. "Immitis, huwag mong sabihing maniniwala ka sa babaeng 'yan? Siya ang nagkulong sa akin sa salamin na 'yon. Siya rin marahil ang may kagagawan ng mga tinik na rosas," paliwanag ni Nitidus. "Sinungaling! Paanong mangyayari ang sinasabi mo kung kanina pa kami magkasama ng lalakeng pinakamamahal ko?" Bumaling ito ng tingin kay Acutus bago muling nagsalita. "Acutus, sabihin mong sa akin ka naniniwala." Walang sabi-sabing itinulak ni Acutus ang babae na labis nitong ikinagulat. Napaupo naman ang babae sa kama hanggang sa tuluyan na itong nagbago ng anyo. Ang wangis nitong kagaya ng kay Nitidus ay tuluyang naglaho. Nagkaroon ito ng baluti sa katawan na animo'y sintigas ng bakal. Ang kamay nito ay unti-unti ring nabalutan ng itim na gwantes at ang buhok nitong itim ay naging kulay abo na rin subalit ang mukha nito ay naging palaisipan dahil sa suot nitong maskara.   "Tunay ngang ikaw ang tagapagmana ng kwintas, Acutus.” Lumapit ito kay Acutus at inikutan. “Hindi ka man lang ba nagdalawang isip nang ako ay iyong angkinin?”   Nagtagis naman ang bagang ni Nitidus matapos na marinig iyon. Handa na sana siyang paslangin ito subalit kaagad naman itong naglaho sa kaniyang harapan, biglang sumulpot sa kaniyang likuran at hinawakan ang kaniyang magkabilaang balikat.   “Huwag kang masyadong magmadaling paslangin ako, Nitidus. Hindi mo pa nga naririnig kung gaano katamis ang bawat halik ng lalakeng pinakamamahal mo nang lubos,” sabi nito sa mapanuksong tinig.   “Huwag kang makinig sa kaniya, Nitidus. Hayaan mo akong magpaliwanag,” sabi naman ni Acutus ngunit tinawanan lang siya ng Veneficus na kaharap nila.   “At anong ipapaliwanag mo, Acutus? Na akala mo ay ako siya? Hindi mo man lang ba naramdaman na magkaibang tao na pala ang iyong kaharap at ang babaeng iyong sinisinta?” muling panunukso nito.   Inilapit naman nito ang ulo sa tabi ng tenga ni Nitidus at muling nagsalita. “Alam mo bang ang sarap ng mga halik ni Acutus. Ang bawat salitang namutawi sa kaniyang mga labi nang sabihin niyang mahal na mahal niya ako. Ang init ng kaniyang katawan at ang pag-iisa naming dalawa. Alam mo ba—”   “TUMIGIL KA NA!” Napatigil ito sa pagsasalita nang sumigaw si Nitidus kasabay ang putok ng baril na namayani sa buong silid. Napatingin naman ang lahat sa hawak na baril ni Nitidus na kasalukuyang nakaturo sa kisame.   Tumawa naman ang Veneficus pagkaraan ay pumalakpak.   “Marami ka pang hindi nalalaman sa landas na tinatahak mo, Acutus." Pagkasabi ay kaagad na nagliwanag ang parte ng dibdib nito at lumabas mula rito ang isang kwintas na pinakikinang ng mga naglalakihang diyamante.   "Ang kwintas!" sigaw ni Nitidus. Bigla namang nabaling ang atensyon ng lahat dito.   "Ibig sabihin ay babae ang tagapangalaga ng kwintas?" pabulong na tanong ni Immitis sa sarili. Nang mga oras kasi na iyon ay naguguluhan pa rin siya sa totoong katauhan ng Veneficus.   "Ibigay mo na sa akin ang kwintas," mariing sabi ni Acutus.   "Makukuha mo lamang ang kwintas kung mapapaslang mo ako. Subalit, iyon ay kung magagawa mo nga akong paslangin, Acutus," sabi nito na siya namang ikinagulat ni Acutus at Nitidus matapos madurog at maging abo ang maskara tumatakip sa tunay nitong anyo.   "Bellus?" nanlalaki ang mga matang saad ni Acutus matapos tumambad ang mukha ng kaharap.   "Bellus, paanong?" Hindi naman makapaniwala si Nitidus nang mapagsino ang kaharap nila. Ito lang naman kasi ang babaeng lubusang minahal ni Acutus mula sa nakaraan. Bata pa lamang sila noon ay madalas na itong api-apihin ng mga naroon dahil sa maganda nitong mukha ngunit kulay abo na buhok. May paniniwala kasi sila na isinumpa ang mga batang kagaya ni Bellus. Sumpang pupuksa sa sangkatauhan.   "Acutus, matagal na panahon na rin nang huli kitang mapagmasdan nang malapitan. Ang mga halik mo ay katulad pa rin ng dati," sabi nito kasabay ng paghaplos ng palad nito sa pisngi ng binata.   "Ibigay mo na sa akin ang kwintas, Bellus," saad naman ni Acutus.   "Paslangin mo ako, Acutus. Doon mo lang mapapatunayan sa aking ikaw ang siyang nararapat na mangalaga sa kwintas."   Hindi naman alam ni Nitidus kung ano ang gagawin. Paano kung isa na namang ilusyon ang lahat? Paano kung isa lamang ulit itong pagbabalat-kayo mula sa tagapangalaga ng kwintas?   "Hindi mo ako mapapaslang, Acutus. Kaya mananatiling akin ang kwintas na ipinagkatiwala pa sa akin kasabay ng paglisan ko sa ating bayan," tuwirang tugon ni Bellus ngunit muli ay isang malakas na putok ng baril ang siyang tuluyang nagpabagsak kay Bellus. Nagulat ang lahat nang may dugong biglang umagos sa dibdib ng dalaga kasabay noon ay ang pagbagsak ng kwintas sa sahig.   "Bellus!" Lumapit si Acutus sa dalaga at kaagad itong inalalayan habang unti-unting napapaupo sa sahig.   "Nitidus…" untag ni Immitis.   "Tama kang hindi ka kayang paslangin ng lalaking nasa harap mo, subalit nakalimutan mo yatang may iba pang taong naririto kasama niya," sabi ni Nitidus dahilan para mapalingon sa kaniya si Acutus na may blangkong reaksyon sa mukha. "Hindi ka ba masaya, Acutus? Hindi ka ba masaya na magkakasama na tayo, mahal ko?" tanong ni Nitidus sa binata ngunit hindi ito pinansin ni Acutus at muling nilingon si Bellus na unti-unting nagliliwanag ang buong katawan.   "Acutus, ginawa ko ito ng bukal sa loob ko, upang mapangalagaan ka. Hindi mo lang alam kung gaano ako kasayang makita kang muli, ngunit eto na yata ang huli." Kasabay ng mga katagang iyon ay ang paglandas ng mga luha sa pisngi ni Bellus.   "Bellus, huwag kang magsasalita ng ganyan." Napuno naman ng lungkot ang mukha ni Acutus. Hindi niya alam kung anong mararamdaman sa katotohanang ang babaeng una niyang minahal ay papaslangin lang ng ganoon kadali ng babaeng minamahal niya sa kasalukuyan.   "Ikaw lang. Wala ng iba pa, Acutus." Hanggang sa tuluyang naglaho ang katawan nito kasabay ng liwanag na pumapalibot dito.   Wala sa sariling dinampot ni Acutus ang kwintas saka naglakad palabas ng silid. Hindi siya makapaniwalang magagawa iyon ni Nitidus. Si Nitidus na alam niyang takot at taliwas sa mga ganoong gawain. Nalilito siya. Hindi siya makapag-isip ng tama kaya minabuti na lamang niya na mapag-isa.   "Acutus," paghabol ni Nitidus subalit pinigilan ito ni Immitis kaya nagpasya silang manatili na lang sa kinatatayuan. Pagsikat ng araw kinabukasan ay tuluyang naglaho ang palasyo. Ganoon din ang matatayog na bundok at damo. Naging isang patag at tuyong lupa ang buong lugar. Patag at tuyo na animo'y hindi nakatayo sa gitna ng karagatan.   Tahimik lang na nakatayo si Acutus sa bukana ng tarangkahan ng lugar. Pinagmamasdan ang bawat hampas ng alon sa gilid ng mga batuhan. Lumapit naman si Nitidus at hinawakan ang kanyang kamay.   "Acutus,"   "Tara na, Nitidus. Kailangan na nating harapin ang lolo mo at ibigay ang kwintas na kailangan niya. Para matapos na ang lahat ng ito. Maraming buhay na ang nasasayang. Maraming nadadamay na hindi naman dapat. Oras na para tapusin natin 'to."   "Tungkol kay Bellus…"   "Masaya na siya kung nasaan man siya naroroon. Alam kong may rason kaya mo ginawa 'yon. Wala na akong magagawa tungkol sa bagay na iyon. Marahil ay pagod ka na rin sa gulong pinasok natin, pero kahit na anong mangyari, Nitidus, hindi kita iiwan," sabi ni Acutus bago hinarap ang dalaga. Ramdam naman ni Nitidus ang sinseridad sa mga katagang namutawi sa mga labi nito. Alam niya kung gaano siya kamahal nito at nararamdaman niya iyon ng walang pag-aalinlangan. Ngunit sa kabilang bahagi ng kaniyang puso ang ang natutulog na pagnanasang malapit nang magising.   "Acutus, Nitidus, nakahanda na si Volant. Tara na bago pa tayo abutin ng dilim sa lugar na ito," sabi ni Immitis matapos sumulpot mula sa kanilang likuran.   "Tara na," at naglakad na nga sila palabas ng tarangkahan. Ang tanging daan pabalik sa kanilang mga ipinaglalaban. *** Bellus - Cute
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD