CHAPTER 32

1351 Words
Lumipas na naman ang buong magdamag na walang nangyari sa paghihintay nila Lux at Immitis. Hindi nila lubos akalain na muli ay makakaramdam na naman sila ng matinding antok at pagod dahilan para sila ay hatakin na naman ng antok. “Immitis, kailangan nating maging responsable ngayon. Hindi na tayo maaaring matulog muli. Kailangan nating makarating kaagad doon upang may makalap na tayong impormasyon tungkol sa lunas ng kwintas,” sabi ni Lux. Tumango naman si Immitis bilang pagsang-ayon. Lumipas ang maghapon, kagaya ng nagdaang araw ay nagpasya silang kumain at magpahinga panandalian at sa gabing iyon ay muli na namang lumabas ang makapal na hamog na siyang nagpapalamig sa buong paligid. “Ginoong Lux, hindi na tayo maaaring matulog ngayon.” “Oo alam ko.” Ngunit ilang oras pa lamang ang nakalilipas ay bumibigat na naman ang kanilang mga talukap na tuluyang humatak sa kanila sa pagtulog. Kagaya ng mga lumipas na araw ay ganoon ulit ang nangyari kung kaya nangamba na si Lux gayon din si Immitis. “Ginoong Lux, hindi na ito maganda. Tingin ko ay may kakaiba sa lugar na ito na siyang humahatak sa atin para makatulog,” puna ni Immitis. “Iyon din ang palagay ko.” Nag-isip ito panandalian habang inaalala ang mga nangdaang pangyayari. “Ang pagkain, ang hamog, ang lamig ng gabi.” Pilit nitong iniisip kung ano pa ang maaaring maging dahilan ng kanilang pagkaantok. Hanggang sa mapansin nito ang pagbabago ng oras. “Hindi maaaring sa pagkain, Ginoong Lux. Umaga pa lang ay kumakain na tayo subalit hindi naman tayo nakakarandam ng antok. Kung tungkol naman sa lamig ng paligid ay ganoon rin. Normal lang na maging malamig ang paligid lalo na at nasa tabing dagat tayo. Hindi kaya...” sabi ni Immitis. “Tama ka, Immitis. Maaaring ang makapal na hamog nga ang siyang humahatak sa atin upang makatulog.” Pinagsaklob nito ang mga palad habang nag-iisip. “Kung ganoon nga ay paano kaya natin iyon mapaglalabanan?” “Bakit hindi natin subukang manatili sa loob ng kubol?” suhestiyon niya. Naisip naman nitong mukhang may punto nga ang sinasabi niya kung kaya naman naisip niyang sundin ang suhestiyon nito. Mabilis na lumipas ang maghapon at tuluyan nang nilamon ng gabi ang kalangitan. Habang nagniningning ang mga bituin sa kalangitan maging ang bilog na buwan ay nagsisimula na ring lumabas ang mga hamog sa paligid na siyang nagpapalamig sa palagid. “Ayan na ang hamog, Ginoong Lux,” sabi niya. “Kailangan nating maging alerto,” payo ni Lux. Habang pinakikiramdaman nila ang paligid ay unti-unti namang kumakapal ang hamog sa labas ng kubol dahilan para hindi nila makita ang paligid maging ang dagat sa kanilang harapan. Nangamba sila na marahil ay hindi na naman nila makita ang pag-angat ng lupa mula sa dagat kung kaya lumabas sila ng kubol. Ngunit sa huli ay bumagsak lang din sila sa sahig at tuluyang nilamon ng antok. Kinabukasan ay parang bata naman si Immitis habang nagmamaktol sa mga nangyayari. “Bwiset!” Naibato niya sa buhanginan ang suot niyang sumbrero dahil sa labis na inis. “Kumalma ka lang, Immitis,” sabi ni Lux habang pinagmamasdan siyang paikut-ikot roon. “Paano ako kakalma, Ginoong Lux? Nasasayang ang oras natin sa bagay na hindi naman tayo sigurado kung talagang totoo,” gigil na pagmamaktol niya. “Sa mga oras na ito ay maaaring wala ng buhay ang kaibigan ko!” “Pero paano kung tama ang daang ito?” Lumapit ito sa kaniya at binatukan siya kapagkuwan sa ulo. “Sinabi ko na hindi ba? Magtiwala ka kay Acutus. Nakasisiguro akong buhay pa siya. Hindi niya hahayaang basta na lang siya mamatay nang walang ginagawa.” Pabagsak siyang naupo sa buhanginan at doon nagsimulang umiyak na animo’y isang bata. “Ginoong Lux...” kumapit siya sa laylayan ng damit ni Lux at doon inilabas ang pag-iyak. Sa buong paglalakbay nila ay doon lang nakita ni Lux ang ganoong pag-uugali ni Immitis. Napapailing na lang ito sa itsura ni Immitis nang mga oras na iyon. Daig pa kasi nito ang isang batang inagawan ng laruan. “Huwag kang mag-alala at sisiguraduhin ko ngayon na makakaalis na tayo sa lugar na ito,” paniniguro ni Lux. Kinagabihan ay nakahanda na ang dalawa. Sa pagkakataong iyon ay alam nilang hindi na sila dapat na maging pabaya bagkus ay kinakailangan na lang nilang maging mapagmatyag at talasan ang kanilang pandama. Sa pagkapal ng hamog ay tuluyan na ring naglaho sa kanilang paningin ang dagat. Ilang oras pa silang naghintay nang naghintay hanggang sa maramdaman nila ang unti-unting pagyanig ng lupa. Naririnig na rin nila ang tunog ng mga nag-uuntugang bato na tiyak nilang nagmumula sa pagbabago ng pormasyon ng dagat. “Ngayon na!” ani Lux kay Immitis. Kaagad silang nagtakip ng kanilang mga ilong gamit ang kanilang makapal na balabal upang hindi nila malanghap ang samyong dala ng makapal na hamog. Mabilis nilang tinakbo ang daan sa kanilang harapan hanggang maramdaman nila ang pamamasa ng kanilang paa, hudyat na nasa tabing dagat na sila. Doon sila tumigil sa pagtakbo hanggang sa tuluyang umangat ang lupa at nagmistulang tulay gaya ng mga sabi-sabi ng nakararami. “Ginoong Lux, nagawa natin!” Nagtatalon pa siya sa tuwa dahil sa wakas ay nagawa nilang makatapak sa tulay na umangat mula sa ilalim ng dagat. “Oo, sa wakas ay makakaalis na rin tayo rito. Ang kailangan na lang nating gawin ay paghandaan ang mga susunod na mangyayari. Kailangan na nating simulang maglakad upang maaga tayong makarating sa isla,” sabi ni Lux habang pinagmamasdan ang daang tatahakin nila. *** Hindi pa man sila nangangalahati sa kanilang paglalakad ay namataan na kaagad nila ang isang dambuhalang Fera Avem na kasalukuyang nakaharang sa daan. Ito ay klase ng hayop na may malapad na pakpak at nakalilipad. Ang laki nito ay mahigit kumulang anim na talampakan at ang laki ay tinatayang kasing laki ng isang elepante. “Immitis, maging alerto ka dahil ang Fera Avem na iyan ay napag-alaman kong kumakain ng mga buhay na nilalang na nagtatangkang dumaan dito lalo na kung walang pahintulot. Sila ay ang nagmimistulang praesidio patungo sa Insula Astra. Wala man silang mga paningin ay mayroon naman silang matatalas na pandinig at pandama. Lahat nang magnanais na magpunta sa Insula Astra ay kinakailangan na malampasan ang pagsubok at tuluyang makatawid sa kanila.” Tinapik nito sa balikat si Immitis kapagkuwan ay maingat na naglakad. “Oo nga pala, bago ko makalimutan, hindi siya nag-iisa. Marami sila.” Kagaya ng payo ni Lux ay maingat niyang inihahakbang ang kaniyang mga paa upang hindi makagawa ng kahit na ano mang ingay. Kaliwa’t kanan ang ginagawa nilang pag-ilag huwag lamang mabunggo ang isa sa mga ito. Ngunit hindi inaasahan ni Immitis na madadapa siya sa isang batong nakaumbok sa sahig dahilan makalikha siya ng ingay na siyang gumising sa lahat ng Fera Avem na naroon. Mabilis silang nilingon ng mga ito kung kaya dali-dali ring gumalaw ang kanilang mga paa at nagsimulang tumakbo. Naroon at sa sobrang liksi ng mga hayop na ito ay kamuntikan pang madagit ng mga paa nito si Immitis. Mabuti na lang at naroon si Lux at mabilis na tinaga ang paa ng isa sa mga ito nang tuluyan itong kumapit sa binata. “Ayos ka lang?” tanong ni Lux. “Salamat, Ginoong Lux,” kapagkuwan at hinarap ang isa pa at mabilis niya itong ginamitan ng kaniyang tangang patalim ngunit kaagad rin naman siya nitong nahagip ng pakpak dahilan para mabuwal siya sa sahig. Tumayo naman siya at pagkaraan ay pinaputukan ang isa na siyang lalong mas nagbigay ng ingay sa iba pa. Kaagad naman siyang inalalayan ni Lux na tumayo at saka hinaltak ito upang lalong bilisan ang pagtakbo. Hingal na hingal na sila sa pagtakbo ngunit tila desidido ang mga Fera avem na sila ang gawing panlaman tiyan hanggang sa unti-unting lumalabas ang liwanag mula sa sikat ng araw. “Immitis, kay mo pa bang tumakbo?” tanong ni Immitis. “Hindi ko na kaya, Ginoong Lux. Bakit po ba?” tanong nito habang tila naguguluhan sa lahat. “Pwes kayanin mo dahil hindi tayo maaaring abutan ng pagsikat ng araw rito dahil maaaring iyon na ang ikamatay natin.” Ngumiti naman si Lux sa kaniya dahilan para masorpresa siya sa sinabi nito. “ANOOO?! Dahan-dahang naglalaho ang tulay sa kanilang harapan at ang mga Fera Avem at nagliparan na rin palayo sa lugar. Hanggang sa tuluyan nilang marating ang dulo ng tulay. Ngunit sa tuluyang pagsibol ng araw ay hindi nila akalaing ang Insula Astra ay naglaho na. “Ginoong Lux... ang Insula Astra.” Nanlalaki ang mga mata nila habang pinagmamasdan ang islang wala na sa kanilang harapan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD