CHAPTER 10

1421 Words
Nitidus' POV Hatinggabi na subalit gising na gising pa rin ako at hindi makatulog. Hanggang ngayon kasi ay hindi ako makapaniwala sa mga nalaman ko. Nagmula kami ni Acutus sa magkalabang angkan at ang pinakamasakit ay ang katotohanang pinagpaplanuhan niya pala akong paslangin. Hindi ko inakalang hahantong ang lahat sa amin ng ganito. Sa kabilang banda ay may kung ano sa puso ko ang nagpapagulo ng sitwasyon. Ang mga salitang binitawan niya ay hindi mawala-wala sa isip ko. Napapaisip tuloy ako kung dapat na ba akong umatras sa mga plano namin ni lolo o dapat pa rin naming ituloy. Mahal ko si Acutus at kahit ayokong maniwalang mahal niya rin ako ay bagay na hindi matanggap ng puso ko. Narardaman ko kasing sinsero ang pagtatapat niya ng pag-ibig sa akin pero bakit naman niya ako pag-iisipan pang patayin? Kunsabagay, mas matimbang pa rin ang lukso ng dugo kaysa s anu pa mang bagay sa mundo.   Bumangon ako sa aking kama at napagpasyahang pumunta sa silid kung saan nakapiit si Acutus pero nakakapagtakang may nakita akong kung sinong pumasok doon na nakasuot ng robang itim kaya nagtago ako upang hindi ako makita ng kung sino mang iyon. Madilim kasi ang pasilyo patungo sa kwarto kaya hindi ko rin naaninagan kung sino ang pumasok doon. Nakita ko pang binuhusan ng tubig ng nakarobang itim ang mukha ni Acutus para lang magising ito.   "Anak ni Magnus, mabuti naman at nasolo rin kita," wika ng isang tinig habang tumatawa. Ang tinig na iyon ay walang iba kung hindi kay Lolo.   Napansin ko namang mukhang wala pa sa wisyo si Acutus dahil sa labis na pagkagulat sa pagkakabuhos ng tubig sa kaniyang mukha.   "Wala ka man lang bang sasabihin?" tanong ni Lolo sa mapang-asar na tinig.   "Anong sinabi mo kay Nitidus? Anong ginawa mo sa kaniya?" Narinig kong tanong ni Acutus.   "Wala akong ginawa sa kaniya. Siya ay apo ko. Natural lang na sumunod siya sa yapak ng kaniyang lolo. Isa siyang tagapagmana ng aming angkan kaya hindi nakapagtatakang maging isa siyang masunuring bata," sabi ni Lolo na siyang nagpagulo lalo sa isip ko.   "Walang hiya ka, Adamas!" bulyaw ni Acutus sa aking lolo. "Ginagamit mo si Nitidus para lang makuha ang kwintas!"   "Dahil pag-aari naman talaga namin ang kwintas," sabi ni Lolo nang biglang may pumasok na isang pamilyar na pigura sa loob ng silid.   "Master Adamas..." Napansin ko ang pagluhod nito sa harap ni Lolo.   "Pecunia, anong ibig sabihin nito?" Narinig kong tanong ni Acutus sa lalake. Anong ibig sabihin nito? Bakit narito si Pecunia at tinawag niyang master si lolo.   "Acutus! Matagal din tayong hindi nagkita," bati pa ni Pecunia kay Acutus.   "Mga hay*p kayo! Magkasabwat kayo sa pakulong ito! Sa oras na makawala ako rito ay pagbabayaran niyo ang lahat ng ginawa n'yo kay Nitidus!" Ramdam ko ang galit sa bawat salitang binitawan ni Acutus. Anong ibig sabihin ng lahat ng ito?   "Napakatalino mo talaga, Acutus. Manang-mana ka sa iyong ama na si Magnus. Napalaki ka talagang mahusay na halili ni Gaza. Ngunit hindi sapat para maprotektahan si Nitidus. Tama ba?" Nabalot naman ang buong silid ng malademonyong tawa ni Lolo na siyang naging dahilan ng pagpupumiglas ni Acutus sa pagkakatali sa kanya.   Hinawakan ni lolo ang baba ni Acutus bago muling nagsalita.   "Alam mo bang matagal iningatan ng iyong pamilya ang kwintas ng Tractatio. Marami ang nagtangkang nakawin ang kwintas na iyon sa inyong pamilya na nagpasalin-salin pa sa bawat henerasyon dahil sa presyo ng bawat butil ng diyamante nito ngunit marami rin ang hindi nakakaalam kung ano ba talaga ang tunay na halaga nito. Ang halaga nito na makapagpagaling ng kahit anong karamdaman sa oras na makuha ang katas na nagmumula sa kaloob-looban ng bawat piraso ng diyamante nito. Ang gamot na naimbento pa ng iyong mga ninuno at inilagay sa bawat hulma ng diyamante nito," pagkukwento ni Lolo. Kaya pala ganoon na lang ang interes ng lahat sa kwintas na iyon pero bakit parang iba ang nilalaman ng kwento niya. Hindi ko maintindihan. "Buti na lang talaga at isang demonyong katulad ko si Pecunia kaya nakuha ko siyang isang matapat na alagad ko at dahil doon nakuha ko nga ang kwintas na iyon sa pamamagitan ng koneksyon nilang dalawa ni Gaza," pagpapatuloy pa nito. Akala ko ba si Gaza ang pinakamatapat naming kawal. "Ibig mo bang sabihin--" Hindi na naituloy ni Acutus ang sasabihin niya dahil si Lolo na ang nagtuloy nito. "Oo tama ka. Madali ka pa lang makaintindi. Ikaw nga ang nag-iisang anak ni Magnus. Lord Acutus Sugatzu!" Sa narinig kong sinabi ni Lolo ay nanginig ang buong kalamnan ko sa takot. Ibig sabihin ginamit lang talaga ako ni Lolo para mabihag si Acutus. Ibig sabihin ba nito ay inilagay ko sa bingit ng kamatayan ang taong pinakamamahal ko?   "Hay*p ka talaga, Adamas!" At dinuraan pa ni Acutus sa mukha si Lolo na kaagad din namang pinunasan ng matanda. Akma sanang susuntukin ni Pecunia si Acutus pero pinigilan ito ni Lolo.   "Pero alam mo, hindi ko inakalang matalino rin pala si Gaza dahil nagawa niyang ipuslit si Nitidus kasama ng kwintas. Nawala tuloy ang hangarin kong maging isang imortal. Kaya naman ipinapatay ko ang inyong buong angkan pero tila ata may dugo ng pusa si Gaza dahil nagawa niyang mabuhay at maitago ka kasama si Nitidus at ang kwintas." Hindi lalo matanggap ng buong sistema ko ang mga naririnig ko. Ibig sabihin ay isa akong Uchida at Sugatzu si Acutus bagay na taliwas sa unang pahayag sa akin ni Lolo. Niloko niya ko. Si Pecunia, pinlano nila itong lahat ni Lolo. Kaya pala ayaw ni Gaza na magtungo kami sa Ludo dahil alam niyang kapahamakan ang naghihintay sa aming dalawa. Mga walang hiya sila. Napakasama nila.   "Kahit patayin mo ako wala kang mahihita sa akin dahil wala sa akin ang kwintas at hindi ko rin alam kung nasaan ito!" gigil na sabi ni Acutus.   "E paano kung patayin ko kaya si Nitidus?" Nanlambot ako sa narinig ko. Magagawa ba talaga ni lolo na patayin ako? "Hindi ko pala nasabi na ako rin ang pumaslang sa kanyang mga magulang na siyang anak ko. Matitigas kasi ang ulo nila at ayaw sumunod sa gusto ko kaya pinatay ko na lang sila!"   "Pagbabayaran mo ‘to, Adamas! Napakasama mo! Papatayin kita sa oras na makawala ako rito!!" sigaw ni Acutus.   Tumawa ang lolo ko bago tinalikuran si Acutus. “Ikaw na ang bahala sa kaniya, Pecunia. Siguraduhin mong makakatulog siya nang mahimbing.”   Habang naglalakad ang aking lolo palabas ng silid ay tila isang lobo naman si Pecunia na tuwang-tuwa na may karneng nakahain sa kaniyang harapan.   “Acutus, ngayong alam mo na ang totoo, hayaan mong ibigay ko sa iyo ang aking lubos na pagbati,” sabi nito habang naglalakad paikot kay Acutus, at sa isang iglap ay isang malakas na paghagupit ng latigo ang tumama sa likuran ni Acutus.   “Ahh!” Napasigaw si Acutus sa labis na sakit na siyang ininda nang tumama ang latigo sa kaniyang likuran Ngunit hindi siya nagpatinag at nanatiling matatag. “Mga hay*p kayo! Pagbabayaran n’yo ang lahat ng ito!”   “Natatakot naman ako sa sinasabi mo, Acutus.” Tumawa ito nang malakas, at parang nasisiraan na ng bait na pinaghahampas ng atigo si Acutus sa buong katawan. Napapikit na lang ako sa bawat hagupit na nakikita ko na nangyayari ngayon sa lalaking mahal ko dahil sa sarili kong katangahan. Nagpalinlang ako sa aking lolo na siyang hindi ko dapat ginawa. Umaalingawngaw sa aking tenga ng paulit-ulit ang bawat daing, at pagsigaw ni Acutus dahil sa bawat hagupit na kaniyang tinatanggap hanggang sa tuluyang tumahimik ang buong paligid. Unti-unti akong nagmulat ng mga mata at napatutop na lang ako sa aking bibig nang makita ang lalaking aking sinisinta na puno ng dugo, at mga sugat dulot ng latigo. Napaluhod na lang ako mula sa aking kinatatayuan at wala na akong nagawa kung hindi umiyak nang umiyak.   Ilang Segundo pa ang lumipas bago nagsalitang muli si Pecunia.   “Hay… nakatulog din sa wakas.” Dinilaan nito ang dugong umaagos sa pisngi ni Acutus bago nagpasyang umalis.   Akmang papasok na sana ako sa loob ng silid na iyon nang may mga kawal na siyang kaagad na pumasok doon, at nagbantay. Tila mga walang pakialam sa itsura ng kanilang bihag. Kung humihinga pa bai to o hindi na. Sa huli ay napagpasyahan ko na lang na bumalik sa aking silid, at doon pabagsak na dumapa sa aking kama at kinimkim ang sakit na dulot ng aking pagkakamali. *** Tractatio - Manipulation
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD