CHAPTER 26

1448 Words
Acutus’ POV   Ilang araw ang lumipas at nananatili pa rin akong ganito, paralisado. Gaya ng paulit-ulit na nangyayari ay nasanay na lang ako na ginagawa niya akong laruan - pakakainin, paliliguan, dadamitan. Ngunit matapos ang nangyari sa pagninig naming iyon ay hindi na iyon muling nasundan. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa na nangyari sa amn iyon, o dapat ba akong mainis dahil sa mga nalaman ko. Hindi ako mapalagay lalo na at nakikita ko siyang pabago-bago ng timpla araw-araw. Nagpagawa rin siya ng isa pang trono na talagang inilaan niya para sa akin. Ilang araw na rin ang lumilipas ngunit hindi ko man lang nasisilayan ang walangh*yang nagsamantala sa puri ni Nitidus. Sa bawat araw na lumilipas ay halos nadudurog ang puso ko sa mga nakikita kong pagpatay niya sa mga kawal na hindi nakasusunod sa mga ipinag-uutos niya. Sa mga nagdaang araw na iyon ay ramdam ko rin ang pag-iwas niya. Hindi siya makatingin sa akin ng deretso at sa tuwing gagawin niya ay iyon ay kaagad rin niyang binabawi. Akala ko ay wala na akong malalaman pa dahil halos lahat sa loob ng Stamen ay nakikita ko na ngunit hindi ko akalaing ang gabing ito ang gigimbal nang tuluyan sa akin.   Lumapit siya sa salamin at matamang pinagmasdan ang kaniyang wangis doon. Hinimas niya sandali ang suot niyang kwintas ng Tractatio at laking gulat ko nang gumalaw ang kaniyang repleksyon sa salamin at nagsalita.   “Magaling, Nitidus. Napakamasunurin mong talaga,” sabi nito.   “Alam ko namang para lang sa kapakanan ko ang lahat ng iyong ginagawa,” tugon naman ni Nitidus.   “Kaunting panahon pa at makakamit mo na rin ang natatanging kapangyarihan na tanging ikaw lang ang magtataglay.” Ngumiti ang kaniyang repleksyon at nagulat na lang ako nang lumabas ang braso nito mula roon at hinawakan ang pisngi ng babaeng pinakatatangi ko sa lahat.   Hinawakan naman ni Nitidus ang kamay nitong kasalukuyang nakadampi sa kaniyang pisngi habang ninanamnam ang sandaling iyon. Nakapikit si Nitidus habang ang kaniyang repleksyon naman ay tila may kakaibang ngiti na gumguhit sa mga labi nito. Nakaramdam ako ng takot at kaba para sa babaeng inaalayan ko ng aking buhay sa isiping marahil ay nakokontrol siya ng repleksiyon niyang iyon. Subalit hindi ko pa rin maintindihan kung paanong nangyayari ang lahat ng ito at anong klaseng nilalang ang nagtatago sa likod ng salaming iyon.   Pilitin ko mang tumayo at gumalaw upang gisingin siya sa kaniyang masamang panaginip ngunit wala akong magawa. Tila isang patay akong nakaratay sa aking libingan nang biglang bumukas ang pinto ng silid. Doon lang tila bumalik sa wisyo si Nitidus at ang kaniyang repleksiyon ay naging normal na replesyon na lang. Doon ko nasiguradong may koneksyon nga ang repleksyong iyon kay Nitidus kung bakit nangyayari ang lahat ng ito sa kaniya.   “At sino ka para bigla na lang pumasok sa aking silid?!” bulyaw niya sa tauhang ngayon ay nasa harapan niya.   “Ipagpatawad n’yo po, mahal na Regina, subalit may mahalaga po akong ulat sa inyo na tiyak na ikatutuwa ninyo.” Hihingal-hingal pa ito habang nagsasalita. Bakas din sa itsura nito ang labis nap ag-aalala sa maaaring sapitin nito sa pagpasok sa silid ni Nitidus nang walang pasintabi.   “Siguraduhin mo lang na matutuwa ako sa ulat mong iyan,” banta niya pa.   “Nakita na po namin kung saan matatagpuan sila Immitis at ang estrangherong lalakeng kasama nito,” sabi nito.   Dahil sa narinig ay unti-unting rumehistro ang mga ngiti sa labi ni Nitidus at isang malakas na halakhak ang pinakawalan nito sa loob ng silid. Tinapik nito ang balikat ng kawal at sumenyas na lumabas na ito.   “Narinig mo ba iyon, mahal ko? Natagpuan na nila ang pinagtataguan ng magaling mong kaibigan. Kakaiba rin ang isang iyon at nagawa pang mabuhay pagkatapos ng natamo niyang pinsala sa katawan. Sadya ngang ang masasamang damo ay matagal mamatay.” Muli itong tumawa at pagkaraan ay pumalakpak. “Napakagaling! Pero huwag kang mag-alala dahil hindi ko pa sila papaslangin. Kailangan ko munang matukoy kung sino ang estrangherong nagtangkang kuhanin ka mula sa akin.”   Napalingon namang muli si Nitidus sa pintuan nang muling bumukas iyon. Kaagad na nawala ang mga ngiti sa kaniyang mga labi at napalitan ng pagkabagabag nang pumasok mula roon si Inxs. Sa ilang araw na wala ito, pakiramdam ko ay maluwag na nakakahinga si Nitidus ngunit ngayong nasa harap na naming ito ay tila nawala ang lahat ng sigla sa katawan niya.   “Ang bilis mo namang nakabalik,” sabi niya rito.   “Hindi ka ba natutuwang makita ako, mahal kong Era?” nakangiting tanong nito na kaagad ring napalitan nang inis nang makita ang presensya ko sa loob ng silid. “Anong ginagawa ng hambog na iyan sa iyong silid, Nitidus?” Mabilis na nagbago ang tono ng boses nito. Ang malambing na tinig nito ay naging kasing lamig ng yelo.   “Kailangan ko lang ng laruan pansamantala kung kaya ginamitan ko siya ng kaunting gamot na paparalisa sa kaniyang buong katawan. Wala siyang magagawa kung hindi ang manatili lang diyan na nakaupo at manahimik,” sabi ni Nitidus ngunit nagulat siya nang tahasan siyang hawakan ni Inxs sa kaniyang mga braso.   “Siguraduhin mol ang, Nitidus, na sumusunod ka sa mga nais ko dahil sa oras na malaman kong pinagloloko mo ako ay ako na mismo ang tatapos sa buhay ng lalakeng iyan.” Lumingon ito sa akin at kitang-kita ko ang nakakalokong ngiti na biglang rumehistro sa mga labi nito. “Kung ganoon ay gusto kong makasiguro sa mga sinasabi mo.” Sa isang iglap ay pwersahan nitong hinalikan si Nitidus. Kitang-kita ko ang pagtaliwas ni Nitidus sa mga nais nito ngunit wala siyang magawa at hinayan lang ito sa ginagawa.   Inilayo ni Nitidus si Inxs sa kaniya dahilan para mainis ito.   “Pagod ako, Inxs. Gusto kong magpahinga.” Tumalikod siya ay hahakbang pa lang nang biglang hablutin ni Inxs ang kaniyang maikling buhok.   “Pagod? O hindi mo lang nais na makita ni Acutus kung paano kita pinaliligaya sa piling ko, Nitidus?” mariing sabi nito.   “Nasasaktan ako, Inxs. Bitiwan mo ako!” tiim bagang naman na sabi ni Nitidus.   “Talagang masasaktan ka!” at sa isang iglap ay bumuwal sa sahig si Nitidus nang tumama ang palad nito sa pisngi ni Nitidus. Sapu-sapo naman ni Nitidus ang kaniyang pisngi at doon ko naramdaman ang labis na galit. Pakiramdam ko ay wala akong silbi dahil hindi ko man lang magawang protektahan ang babaeng mahal ko. Doon ko nakita nang lubusan kung ano ang ginagawa ni Inxs sa kaniya na naging dahilan ng matinding galit niya sa akin. Ngayon ko napagtantong maling-maling iniwan ko siya kay Adamas noon. Gustuhin ko mang saktang at patayin ang lalakeng nanakit sa kaniya ngayon ay wala akong magawa. Unti-unti ay naramdaman ko na lang ang mga luhang dahan-dahang umaagos sa aking mga pisngi.   “Umiiyak ka ba, Acutus?” nakakalokong tanong ni Inxs sa akin nang mapansin nito ang mga luhang iyon. Humalakhak ito pagkaraan ay pumalakpak. “Hindi ko akalaing ang babaw ng mga luha mo, Acutus. Umiiyak ka nang dahil lang sinaktan ko ang babaeng pinakamamahal mo? Nakakatuwang pagmasdan!”   Gusto kong makitang lumuha ka ng dugo ngayon at magmakaawa sa harap ko. Kaagad nitong itinayo si Nitidus at inihagis sa kama.   “Tumigil ka, Inxs!” sigaw ni Nitidus ngunit hindi siya pinakinggan ni Inxs.   “Hayaan mong makita ni Acutus ang pinakakinasusuklaman niyang makita.” Para itong isang demonyo na tumatawa habang unti-unting pinupunit ang damit na suot ni Nitidus. Gigil na gigil ako habang pinagmamasdan ang ginagawa niyang kababuyan sa babaeng aking sinisinta. Sa pagkakataong iyon ay hindi ko akalaing maigagalaw ko ang aking hinlilit. Nakita ko kung paano unti-unting tumulo ang mga luha sa mga mat ani Nitidus. Parang unti-unti ring dinudurog ang puso ko sa tagpong iyon hanggang tila may kung anong kapangyarihan ang bumalot sa akin dahilan para tuluyan kong maigalaw ang aking buong katawan. Kaagad akong tumayo mula sa pagkakaupo at hinablot si Inxs. Kaagad ko siyang sinuntok ng ubod nang lakas sa mukha na siyang naging dahilan ng kaniyang pagbagsak sa sahig. Gulat na gulat siya gayundin si Nitidus nang makitang nakakagalaw na ako.   “Hindi ako makapapayag na muli mo siyang babuyin gaya ng ginawa mo sa kaniya noon.” Hirap pa man akong magsalita ay nagawa ko pa rin. Hindi ako habang buhay na tatanga habang pinapanuod ang sinasapit ng babaeng inaalayan ko ng aking buhay. Lumapit akong muli kay Inxs at pinagsusuntok ito sa mukha. Himbis na matakot ay ngising demonyo lang ang nakikita ko rito kung kaya mas nanaig sa akin ang silakbo ng galit. Mas lalo kong binigyan ng pwersa ang mga suntok na ibinibigay ko sa kaniya na ni isa ay hindi niya pinagtangkaang iwasan. Handa na sana akong ibigay sa kaniya ang huling suntok na nararapat sa kaniya nang makaramdam ako ng matigas na bagay na tumama sa ulo ko dahilan para bumagsak ako sa sahig.   Nanlalabo na ang aking paningin ngunit hindi ko inaasahang ang masasaksihan ko ang pinakamasakit sa lahat.   Si Nitidus at si Inxs. At ang labi nilang nakadampi sa isa’t isa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD