CHAPTER 25

1373 Words
Acutus’ POV   Kasalukuyan akong nakaharap ngayon kay Nitidus habang siya ay diretsong nakatingin sa akin. Habang papalapit ako sa kaniya ay hindi maalis ang pagkakatitig ko sa kaniyang maamong mukha na ngayon ay nagbago na. Ang dating masiyahin at masiglang si Nitidus, ngayon ay nabahiran na ng kasamaan. Hindi ko inasahang hahantong ang lahat sa ganitong sitwasyon.   Sa loob ng silid-kainan ay ang mahabang lamesa at mga kandila sa ibabaw nito. Ang mga pader naman ay napapalibutan ng mga sulo na pinaliliwanag ng apoy. Sa gilid ng lamesa ay mga silyang sakto sa sukat nito. Sa dulong bahagi ng lamesa, doon nakaupo si Nitidus. Sumenyas ito sa kaniyang mga kawal at kaagad ding umalis ang mga ito at naiwan kaming dalawa roon. Nakatayo lang ako habang hinihintay ang susunod niyang gagawin. Kung mamamatay lang rin ako sa mga kamay niya ngayon ay maluwag kong tatanggapin.   “Bakit hindi ka maupo, mahal ko?” sabi niya nang nakangiti. Mga ngiting alam kong hindi maganda ang maidudulot sa lahat.   “Anong kailangan mo sa akin, Nitidus?” mariing tanong ko.   “Gusto ko lang naman na makasabay kang kumain ngayong gabi.” Muli ay ngumiti ito nang ubod nang tamis bago muling nagsalita. “Hindi mo na ba ako mahal?”   Napayuko ako sa tanong na iyon. Hindi ko alam kung dapat ko pa bang sagutin ang tanong na iyon o hayaan na lang ding maging palaisipan sa kaniya? Sa huli ay napagdesisyunan ko na lang na iwang alaala sa kaniya ang lahat ng pinagsamahan naming dalawa.   Tila nainis naman ito nang hindi makakuha ng sagot mula sa akin kung kaya napatayo ito at hinampas ng malakas ang ibabaw ng lamesa.   “Sagutin mo ako kapag tinatanong kita!”   Kita ko ang panggigigil sa kaniyang mukha na siyang alam kong mararamdaman niya sa oras na ignorahin ko siya.   “Ano pa bang nais mo? Nakuha mo na ang lahat ng gusto mo. Bakit hindi mo na lang ako paslangin kung iyan ang ibig mong mangyari sa akin?” sabi ko pagkaraan ay tinitigan siya ng matalim.   Pilit kong ikinubli ang tunay kong nararamdaman kahit na alam kong ako rin mismo ang mahihirapan ngunit minabuti kong gawin iyon upang kahit paano ay matira kahit na kaunti para sa aking sarili. Halos lahat ay ibinigay ko na sa kaniya. Pinasok ko ang pakikipagsapalaran sa Ludo upang mailigtas siya sa buhay na kinasadlakan niya ngunit sa huli ay hindi ko naisip na hindi na pala siya bata. Kaya niya na magdesisyon para sa sarili niya at eto ang buhay na tinatahak niya ngayon.   “Ano ba ang gusto mong iasagot ko sa walang kwentang tanong mon a iyan, NITIDUS!” Hindi ko na napigilan ang sarili ko na sigawan siya dahil sa labis na galit at sama ng loob sa mga nangyayari. Nagawa kong hawiin ang mga plato na nakapatong sa ibabaw ng lamesa sa aking harapan dahil sa labis na pagdaramdam. Alam kong kailangan ko ng sumuko ngunit nananaig pa rin ang pagmamahal ko sa kaniya kung kaya pilit akong lumalaban hanggang sa aking huling hininga.   Tila nagulat naman siya sa mga nangyayari. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin at doon ay muli kong naramdaman ang kaniyang halik.   “Dito ka lang sa aking tabi, Acutus. Ang gusto ko ay manatili ka sa akin at sundin ang lahat ng nais ko,” mahinahong sabi nito.   “Nitidus, hindi ikaw ito. Alam mo sa sarili mong hindi ka kagaya ng lolo mo. Pakiusap, umalis na tayo at iwan na natin ang lugar na ito,” pagsusumamo ko sa kaniya. Nagbabakasakali pa rin akong hanggang sa huli ay pakikinggan niya ako ngunit nagkamali ako.   “Sige sasama na ako sa iyo. Ngunit sana ay saluhan mo muna akong uminon ng pinakatas na ubas. Kahit na ngayon lang.” Akala ko totoo na. Akala ko talagang sasama na siya sa akin sa pag-alis sa akin kung kaya pinagbigyan ko ang kaniyang hiling ngunit nang maubos ko na ang laman ng kopita ay unti-unti akong nakaramdam ng pagkahilo at panghihina ng aking katawan. Hanggang sa tuluyan na akong nawalan ng lakas at bumagsak sa sahig.   Kitang-kita ko nang dahan-dahan siyang maupo sa aking harap at iangat ako para yakapin palapit sa kaniyang dibdib. Hindi ako nawalan ng malay ngunit para akong nagmistulang manikin nang takasan ako ng lakas na kumilos gayundin ang pagkawala ng aking tinig.   “Hinding-hindi na tayo magkakahiwalay, mahal ko.”   Kahit hirap na hirap ay pilit niya akong itinayo at inupo sa silyang itinalaga niya sa akin. Kumuha siya ng sinabawang peras mula sa mangkok na nakahain, ibinuka ang aking bibig at isinubo iyon sa akin. Pinilit kong maigalaw kahit ang dulo ng aking daliri ngunit hindi ko malabanan ang kung ano mang lason o gamot na inilagay niya sa aking inumin upang maparalisa ako nang ganito nang ganoon kabilis.   “Mahal ko, hayaan mo, magmula ngayon ako na ang bahala sa iyo.”   Gamit ang isang maliit na pito na hinipan ni Nitidus ay kaagad na pumasok ang dalawang kawal. Senyales na may ipag-uutos siya sa mga ito.   “Mahal na Regina, ano po ang maipaglilingkod namin sa inyo?” tanong ng isa sa mga ito.   “Dalhin ninyo si Acutus sa aking silid,” utos niya na kaagad namang sinunod ng dalawa. Hatak-hatak lang ako ng dalawa habang si Nitidus naman ay nakasunod na naglalakad sa amin. Nang makarating sa kaniyang silid ay ipinag-utos niya na ihiga ako sa kama na siya namang mabilis na sinunod ng dalawa.   Kaagad ring nagsara ang pinto at naiwan kaming dalawa. Unti-unti ay naramdaman ko na lang ang kilabot sa aking buong katawan nang gumapang ang kaniyang mga kamay sa ibabang parte ng aking katawan. Unti-unti niyang tinanggal ang mga saplot sa aking katawan dahil para makaramdam ako ng pagkailang sa kaniyang ginagawa. Gusto kong labanan ang lahat ng kahumalingang kaniyang ginagawa ngunit wala akong magawa. Para akong isang tuod na nakahiga lang roon at walang malay.   “Ang sakit para sa aking may ibang babaeng nauna pa sa’yo kaysa sa akin ngunit napakasakit ring isiping hindi na ako kasing linis kagaya ng inaasahan mo.”   Nagulat naman ako dahil sa narinig na namutawi sa kaniyang mga labi. Ano ang ibig niyang sabihin?   Itinaas niya ang suot niyang bestidang itim at hinubad ito mismo sa aking harapan. Naiwan na lang sa kaniya ang suot niyang pang-ilalim dahilan para mapalunok ako ng aking laway. Nakatingin lang ako sa kaniya nang diretso nang pumaibabaw siya sa akin. Ramdam ko ang unti-unting paglapat ng kaniyang maselang parte sa aking pagkalalake at gayon din ang kaniyang dibdib sa aking hubad na katawan. Marahan siyang humilig sa aking balikat nang maramdaman ko ang init ng likidong umagos sa akin.   “Mahal ko, Wala nang natitira pa sa akin kung hindi ikaw na lang. Kinuha na sa akin ni Inxs ang bagay na matagal kong pinakaiingatan para sa’yo. Hindi ko siya mapapatawad.”   Halos manikip ang aking dibdib nang marinig iyon sa kaniya. Ibig sabihin ay pinagsamantalahan siya ni Inxs? Hindi na siya birhen kagaya ng dati. Naguguluhan ako. Paanong nangyari? Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko nang mga oras na iyon. Gulung-gulo ang utak ko sa dami ng tumatakbo rito. Punung-puno ako ng galit dahil sa mga nalaman ko mula sa kaniya. Ang hay*p na ‘yon, kahit na kailan ay hindi ko siya mapapatawad. Ngunit hindi ko aakalaing ang susunod na gagawin ang siyang mas magpapagulo sa lahat nang dahan-dahan siyang maupo sa aking pagkalalake. Ramdam ko ang init ng loob ng kaniyang p********e habang umiindayog ito ng dahan-dahan sa ibabaw ko. Hindi ako makahinga dahil sa labis na sensasyong dulot ng kaniyang ginagawa. Halos kapusin ako nang hininga habang pinakikinggan ang bawat paghalinghing niya na hindi ko masabayan dulot ng ipinainom niya sa akin ngunit alam kong nagagalit na nang husto ang sandatang nasa loob ng kaniyang pinakaiingatang hiyas.   “Acutus…”   Sa huling mga salitang iyon ay hindi ko na napigilang pakawalan ang matagal kong inipong likido para lang sa kaniya. Para lang sa babaeng aking pinakamamahal.   “Hinding-hindi kita mapapatawad, Acutus. Hindi mangyayari sa akin ang lahat ng ito kung hindi dahil sa iyo. Ikaw ang dahilan ng lahat ng paghihirap ko. Kaya nararapat lang na pagbayaran mo ang buhay na ninakaw mo na sana ay sa akin napunta noong una pa lang.” Tumulong muli ang mga luha sa mga mata nito habang patuloy lang itong sumasayaw sa kasarapan ng pagnanasa. “At lalong hindi kita mapapatawad dahil wala ka noong mga panahong kailangan kita at hinayaan mo akong mapunta lang sa mga kamay ni Inxs.”   At sa pagkakataong iyon ay narinig ko ang panig na nagmumula sa kaniyang puso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD